BISTEK ALA POBRE
Sa pagluluto, hindi naman kailangan na strict tayo sa mga measurement o dami ng sangkap na ati ng ilalagay. Kung baga, tantya-tantiyahan lang. Kahit ang mother ko kung saan ako natutong magluto ganun din ang ginagawa niya. Siya nga iba, amoy lang alam na niya kung ano ang kulang. Ang importante lang ay alam natin ang basic na sangkap and the rest ay nasa sa atin na yun kung papano natin mapapasarap ang lutuin.
Katulad na lang ng entry natin for today. Simpleng bistek na baka. Basta ang pagka-alam ko basta pagsamasahin mo lang ang baka, toyo, katas ng calamansi at anumang panimpla at pakuluuan, presto may bistik ka na. Pero hindi nitong niluto kong Bistek ala Pobre o ang bistek ng mahihirap (..teka...papanong magiging beef steak ito ng mahihirap? e ang mahal kaya ng baka...hehehehe).... binago ko ang ilang pamamaraan and I tell you, ang sarap ng kinalabasan. Eto nga, ito ang baon ko ngayon dito sa office....hehehehe. Try nyo ang twist...di kayo mabibigo....hehehehe. Your bistek will never be the same again....hehehehe
BISTEK ALA POBRE
Mga Sangkap:
1 kilo whole cut beef (campto or brisket)
8 pcs. calamansi
3 pcs. Patatas cut into cubes
1/2 cup Soy sauce
1 head minced garlic
2 large Red onion cut into rings
1 tsp. cornstarch
salt and pepper to taste
maggie magic sarap (optional but recommended)
Paraan ng pagluluto:
1. Ilaga sa kumukulong tubig ang buong cut na baka. Lagyan ng kaunting asin
2. After mga 15 minutes hanguin ito, hugasan at palamigin.
3. Hiwain ang karne ng maninipis ayon sa nais na laki o lapad.
4. Sa isang kawali o non-stick pan, i-prito ang sibuyas ng mga ilang sigundo. Hanguin sa isang lalagyan.
5. Prituhin din ang bawang hanggang mag-golden brown ang kulay at hanguin din sa isang lalagyan.
6. Ilagay ang mga hiniwang karne at toyo. Lagyan din ng kaunting tubig at takpan hanggang sa tuluyan ng lumambot ang karne.
7. Ilagay ang patatas, katas ng calamansi, patatas, 1/2 nung piniritong sibuyas at 1/2 din nung piniritong bawang. Halu-haluin. Takpan hanggang sa maluto ang patatas. Maaring lagyan ng tubig at toyo kung kinakailangan pa.
8. Tikman at i-adjust ang lasa. Lagyan ng maggie magic sarap kung nais.
9. Hanguin sa isang lalagyan at lagyan sa ibabaw ng natirang piniritong bawang at sibuyas.
Ihain kasama ang mainit na kanin.
Enjoy!!!!
Comments
Dennis