CHICKEN in OYSTER and HOISIN SAUCE


Mula nung maumpisahan ko ang food blog kong ito, natuto akong mag-research ng mga bago at kakaibang lutuin sa internet. Natutunan ko din ang gumamit ng mga herbs, spices at kung ano-anong sauces. Isa na nga dito ang hoisin sauce.

Ang mainam sa mga sauces na ito, nae-enhance talaga niya ang lasa ng mga lutuin at kakaiba talaga ang lasa kumpara sa pangkaraniwang nakakain natin. Ang inam pa dito, the best siya sa mga biglaang lutuin mapa pork man o chicken.

Katulad ng entry natin for today. Wala akong maisip na ulam na pambaon ng 2 kong anak na nag-aaral. Nang makita ko ang 3 pcs. na chicken breast na ito at hoisin sauce and presto may pambaon na sila.

Madali lang lutuin ito. Pang biglaan talaga. At huwag ka, puring-puri ng mga bagets ko ang lutuing ito. So ano pa ang hinihintay ninyo? Try nyo na....hehehehe




CHICKEN in OYSTER and HOISIN SAUCE

Mga Sangkap:

1 kilo Chicken breast or any part meaty parts

1/2 cup Hoisin sauce

1/2 cup Oyster sauce

1/2 cup Soy Sauce

5 cloves minced garlic

1 medium chopped onion

2 tbsp. toasted sesame seeds

1 tbsp. sesame oil

3 tbsp. brown sugar

salt and pepper to taste





Paraan ng pagluluto:

1. Timplahan ng asin at paminta ang manok. Hayaan ng mga 15 minuto.

2. Sa isnag non-stick pan, i-prito ang manok sa kaunting mantika hanggang pumula ng kaunti ang balat ng manok. Hanguin muna sa isang lalagyan.

3. Sa parehong kawali, igisa ang bawang at sibuyas.

4. Ilagay ang piniritong manok at ilagay na din ang soy sauce, hoisin sauce at oyster sauce. Halu-haluin.

5. Lagyan nga 1/2 cup na tubig at hayaang maluto ang manok.

6. Ilagay ang brown sugar at hayaang ma-coat ang manok ng sauce. Hinaan lang ang apoy para hindi masunog agad ang asukal.

7. Ilagay ang sesame oil bago hanguin ang nilutong manok.

8. Hanguin sa isang lalagyan at lagyan ng toasted sesame seed sa ibabaw.



Ihain habang mainit pa.



Enjoy!!!!



Note: Masarap na pambaon ito ng mga bata at ng mga young at hearts na din. Okay na okay din ito sa mga biglaang bisita na napapadaan sa ating bahay.

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy