Beef Steak / Bistek with a Twist (Pambaon)


Dito ako sa Makati nag-wo-work. Mag-10 years na din ako dito. Alam naman natin at medyo mataas ang standard of living dito. Ang isang kain nga sa jollyjeep P55 pesos na. Isang kanin lang yun at ulam di pa kasama ang softdrinks.

Kaya naman mas mainam siguro na magbaon na lang. Ganun ang ginagawa ko. Yung niluluto kong ulam for dinner, dinadagdagan ko na lang para may pambaon sa kinabukasan.

Itong recipe natin for today ay ulam namin nung isang gabi. At eto nga baon ko naman the following day. Nung kinukuhanan ko nga ng picture sabi ng asawa ko ang pangit daw na pinaglagyan ko, sabi ko naman yun ang theme nung entry ko na ito, pambaon na food. Hehehehe.

Kagaya nung nasa title, may twist akong ginawa sa recipe na ito. Actually it's an ordinary bistek recipe pero nilagyan lang ng fresh basil leaves. And you know what? Mas sumarap ang ating ordinaryong bistek. Try nyo.....


BEEF STEAK / BISTEK with a TWIST

Mga Sangkap:

1 kilo Beef thinly sliced

6 pcs. calamansi (juice)

1/2 cup soy sauce

1 large onion.

1 tbsp. minced garlic

a bunch of fresh basil leaves

salt and pepper

1 8g maggie magic sarap

1 tsp. cornstarch


Paraan ng Pagluluto:

1. I-marinade ang baka sa asin, paminta, calamansi juice at toyo. Hayaan ng mga ilang minuto. Overnight mas mainam.

2. Sa isang kawali o non-stick pan, i-prito hanggang sa pumula ng kaunti ang baka. Hanguin sa isang lalagyan.

3. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas.

4. Ilagay ang piniritong baka at lagyan ng mga 1 tasang tubig. Hayaang kumulo hanggang sa lumambot ang karne.

5. Kung malambot na ang karne, ilagay ang pinagbabaran ng karne. Lagyan pa ng toyo at timplahan pa ng asin at paminta kung kinakailangan.

6. Ilagay ang basil leaves at maggie magic sarap.

7. Ibuhos ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.


Ihain habang mainit. Pero sa totoo lang, mas masarap ito ng kinabukasan. Mas malinamsam yung karne...parang adobo din...masarap kung kinabukasan kinakain.....hehehehe


Enjoy!!!

Comments

Cool Fern said…
try mo rin with brown sugar,dennis..
may brown sugar yong itinuro sa akin ng tita ko at masarap siya ha?
Dennis said…
I think tama ka dun....kasi mabe-blend yung lasa ng toyo at yung tamis ng brown sugar. Wag lang masyadong madami at magiging beef teriyaki na ang kakalabasan....hehehehe

Thanks my friend


Dennis
Jules Gile said…
Salamat Dencio sa beefsteak, i'm jules here in riyadh, sarap gayahin ng mga luto mo mukhang masasarap lahat hehe, thanks uli!
Dennis said…
Hi! Jules...thanks for a very nice comment. Nakakatuwa naman at may nakaka-appreciate ng mga ginagawa ko...If you have any questions you may send me an email at denniscglorioso@yahoo. com

Again, thank you

Dennis
JOYFULSOLE said…
Hi Dennis,

Tama ka laking tipid talaga pag nag babaon. Kaya nga ako kelangn ko na ring umpisahan kung hinde ang sasahurin mppunta lang sa pamasahe at pang lunch!

Thank you and more recipes to come
Anonymous said…
hindi po b madaling mapanis if lunch the other p kakainin,?
Dennis said…
Hindi ito madaling mapanis komo may calamansi at toyo na kasama. Basta wag mo lang ilalagay sa baunan ng mainit.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy