3 GARLIC PORK ADOBO
Katulad ng entry ko kahapon, it's a challenge kung papaano pasarapin o gumawa ng isang lutuin na walang kasamang gulay katulad ng patatas, carrots, bell peppers at iba pa. May 1 kilo akong pork liempo sa fridge at hindi ko alam kung anong luto ang gagawin ko dito. Ang hirap talagang mag-isip pag wala kang mailahok na gulay o ano pa man sa iyong lulutuin.
Siguro nagtataka kayo sa pangalan ng recipe natin for today. 3 garlic? Yes, tatlong bawang in different form...hehehehe. Yung isa freshly minced, yung isa naman powder at yung isa pa ay toasted. Ang mga ito ang ginamit ko sa ordinary but so special na pork adobong ito. Nabago ang pagkakilala ko sa adobo after this. At masarap talaga. Iba talaga ang nagagawa ng bawang. Try nyo ito.
3 GARLIC PORK ADOBO
Mga Sangkap:
1 kilo Pork Liempo or Kasim cut into serving pieces
1 head minced garlic
1 tbsp. Garlic Powder
2 tbsp. Toasted Garlic (May nabibili nito na nasa bottle sa supermarket0
1 cup vinegar
1 cup soy sauce
1 tsp. ground pepper
1 tsp. maggie magic sarap
2 tbsp. cooking oil
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kawali o non stick pan, igisa ang bawang hanggang sa mag-golden brown.
2. Ilagay ang karne ng baboy at hayaang maluto hanggang sa pumula ng kaunti.
3. Ilipat sa isang kaserola at ilagay ang suka at toyo. Takpan at hayaang kumulo hanggang sa lumambot ang karne. Maaring lagyan ng tubig kung kinakailangan.
4. Kung malampit ng lumambot ang karne, ilagay ang paminta, garlic powder at maggie magic sarap. Hayaan pang maluto hanggang sa tamang lambot ng karne.
5. Tikman at i-adjust ang lasa.
6. Hanguin sa isang lalagyan at ibudbod sa ibabaw ang toasted garlic.
Ihain kasama ang mainit na kanin at mainit nating pagmamahal. Hehehehe
Enjoy!!!!
Comments
pansit ala cool fern...o di ba bagay????hohoho..o di kaya pansit with cool ferns..hohoho..haaayyyy kakaloka...
Dennis
Dennis
http://www.facebook.com/notes/lets-talk-about-adobo/adobong-atay-at-balunbalunankusinerong-gill/418000416671