BEEF KALBI with MUSHROOM


The last time na nag-groceries ako, nakita ko itong pack ng beef kalbi sa frozen section ng SM Supermarket sa Makati. Iniisip ko lang that time, ano pagkakaiba nito sa beef yakiniku na na-try ko nang lutuin.

Sinubukan kong i-search sa google ang beef kalbi na ito. At according to wikipedia, kalbi o galbi ay isang klase ng dish sa korea, kung saan ito ay iniihaw na karne ng baka na na-marinade sa mga sauces at herbs.

This time, niluto ko naman siya the way na gusto kong mangyari. At hindi naman ako nabigo. Masarap at malasa ang beef na ito na niluto ko.

Ito rin pala ang ipinabaon ko sa mga anak ko at nagustuhan naman nila.


BEEF KALBI with MUSHROOM

Mga Sangkap:
1 kilo Beef Kalbi (Maninipis ang hiwa nito na parang bacon)
1 big can Whole button mushroom (sliced)
1/2 cup Soy sauce
1/2 cup Brown sugar
1 thumb size Sliced ginger
4 cloves minced garlic
1 large White Onion sliced
salt and pepper to taste
1 tsp. Sesame oil
1 tsp. cornstarch

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang non-stick na kawali, igisa ang luya, bawang at sibuyas.
2. Ilagay ang beef at halu-haluin
3. Timplahan ng asin at paminta. Lagyan na din ng toyo at 1 tasang tubig. Takpan at hayaang maluto. Maaring lagyan ng tubig pa kung kinakailangan.
4. Ilagay ang brown sugar at sliced mushroom.
5. Tikman at i-adjust ang lasa.
6. Ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce
7. Ilagay ang sesame oil bago hanguin

Ihain kasama ng mainit na kanin.

Enjoy!!!!

Comments

Anonymous said…
wow mukhang delicious sia.ipapatry kong ipaluto sa nnay ko yan.hehehe.mahilig ksing magimbento din nnay ko ng mga lutong ulam eh.pero msasarap din :-)
Unknown said…
wow mukhang delicious sia.ipapatry kong ipaluto sa nnay ko yan.hehehe.mahilig ksing magimbento din nnay ko ng mga lutong ulam eh.pero msasarap din :-)
J said…
Hmmm... pede kaya dito ang fresh mushrooms?
Dennis said…
@ Iragudo.....Masarap talaga siya. Kung nakakakain ka sa Tokyo-tokyo parang ganito yung isa sa mga sine-serve nila. Try it...

Thanks also for visiting.....


Dennis
Dennis said…
@ J..... yes....pwede ang fresh mushroom. Mas masarap nga siguro kung fresh...kasi manamis-namis ang lasa nun. Ita-try ko din minsan.


Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy