LINGUINE PASTA with CREAMY BASIL and HAM SAUCE




Naubos yung pasta dish na niluto ko nitong nakaraan kong kaarawan kaya naman nagluto pa ako ng panibago para naman sa aking pamilya.   At ito ngang Linguine Pasta with Creamy Basil and Ham Sauce ang aking niluto.

Nung una gusto sana ng asawa kong si Jolly na sa labas na lang kami kumain, pero ipinilit ko na sa bahay na lang at magluluto ako ng espesyal na dinner.

As always nagustuhan ng mga anak ko ang pasta dish na ito.   Bakit naman hindi e andaming sahog na ham at bacon akong inilagay.    Hehehehe


LINGUINE PASTA with CREAMY BASIL and HAM SAUCE

Mga Sangkap:
500 grams Linguine Pasta (cooked according to package direction)
250 grams Bacon (cut into small pieces)
250 grams Sweet Ham (cut into small pieces)
1 tsp. Dried Basil
1 tetra brick Alaska Crema
1/2 cup Melted Butter
1 small can Alaska Evap
5 cloves minced Garlic
1 large Onion (chopped)
1 cup grated Cheese
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Lutuin ang pasta according to package directions.
2.   Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa butter.  Halu-haluin.
3.   Sunod na ilagay ang ham, bacon at dried basil.   Hayaan ng ilang sandali na hinahalo hanggang sa lumabas pa ang mantika ng bacon.
4.   Sunod na ilagay ang alaska crema at alaska evap.
5.   Timplahan ng asion at paminta at hayaang kumulo ng bahagya. 
6.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7.   Ilagay na ang niluto pasta at haluin mabuti hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat ng noodles.
8.   Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang grated cheese.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!!

#cremamoments @ #mgalutonidennis

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy