CHEESY & CREAMY MAJA MAIS

Ito ang dessert na inihanda ko nitong nakaraan kong kaarawan.   Cheesy & Creamy Maja Mais.

Actually, experimental ang dessert na ito.   Sa halip kasi ng evaporated o condensed milk, all purpose cream ang ginamit ko.  Ofcourse gamit ang Alaska Crema (free advertisement na naman..heheheh)

At sa lahat ng dish na inihanda ko, ito ang puring-puri ng aking mga bisita.   Humihingi nga sila ng recipe nito.   Pero sa totoo lang, hindi naman ganun ka-succesful ang pagka-gawa ng dessert na ito.   Hindi kasi ito masyadong nabuo.   Pero kung lasa at lasa ang paguusapan, kabog talaga ito.

So para mai-correct ko ang pagkakamaling yun, minabuti kong bawasan ang ibag mga sangkap para tumama ang texture ng finish product.

Try nyo din po.


CHEESY & CREAMY MAJA MAIS

Mga Sangkap:
250 grams Cornstarch (tunawin sa 2 cups ng tubig)
1 can (370ml) Coconut Cream
1 can (370ml) Whole Kernel Corn
2 tetra brick Alaska Crema
2 cups Grated Cheese
White Sugar to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kaserola, pakuluan ang mais (kasama ang sabaw nito), coconut cream at asukal.
2.   Kapag kumulo na, ilagay na ang tinunaw na cornstarch at halu-haluin para hindi magtutong ang bottom ng kaserola.
3.   Kapag medyo bumigat na ang halo ilagay ang Alaska Crema at patuloy pa ding haluin.
4.   Tikman ang tamis at i-adjust ang lasa.
5.   Ilagay sa isang square na lalagyan at budburan ng grated cheese sa ibabaw.
6.   Palamigin bago i-chill sa fridge.

Ihain ng medyo malamig.

Enjoy!!!!

#cremamoments

Comments

Dennis said…
Yes Neri...Kahit nga medyo malambot ang texture ng finish product ang dami pa ring pumuri sa sarap at lasa.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy