CHEESY PORK AFRITADA

Madali nang magluto ng pork o chicken afritada.  Bili ka lang ng instant afritada mix ay okay na ang afritada mo.    hehehehe.

Pero ako gusto ko pa rin yung walang shortcut pero kung nagmamadali na talaga itong mga instant sauces a ito ang akin ding ginagamit.   hehehehe.

In this recipe, nilagyan ko ng dried basil at grated cheese para mas maging espesyal.   Tunay naman.   naging mas masarap at malasa ang ating afritada.   Yummy!!!!


CHEESY PORK AFRITADA

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Kasim or Pigue (cut into serving pieces)
2 pcs. Potatoes (quatered)
1 pc. large Carrot (cut into cubes)
1 pc. large Red Bell Pepper (cut into cubes)
1 cup Green Peas
1 tetra pack Tomato Sauce
1 cup Grated Cheese
1 tsp. Dried Basil
1 head Minced Garlic
2 pcs. Tomatoes (Sliced)
1 pc. large Onion (sliced)
1/2 cup Vinegar
Salt and pepper to taste
2 tbsp. Olive oil or ordinary cooking oil

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang bawang, kamatis at sibuyas sa mantika.
2.   Ilagay na agad ang karne ng baboy at timplahan ng asin at paminta.   Halu-haluin.
3.   Ilagay ang suka at hayaang kumulo.  
4.   Lagyan ng tubig at takpan hanggang sa lumambot ang karne.
5.  Kung malambot na ang karne, ilagay na ang patatas, carrots, red bell pepper at tomato sauce.   Takpan at hayaang maluto ang patatas.
6.   Huling ilagay ang dried basil, green peas at grated cheese.
7.  Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy