BAKED TAHONG with SPINACH
Ito ang isa pa sa mg dish na niluto ko nitong nakaraan naming wedding anniversary. Baked Tahong with Spinach.
Nagustuhan ng asawa ko at mga anak yung niluto kong tinolang tahong. Kaya naman nang makita ko itong medyo may kalakihan na tahong sa Farmers Market sa Cubao, ito agad baked tahong ang naisip ko. Tamang-tama naman at puro seafoods bale ang handa namin. Hehehehe. Dapat sana ay alimango at hipon, kaso ang mamahal ng per kilo at over over talaga sa budget. Although, medyo may kamahalan din ang kilo nito at P120, ok na din sa akin. Ang mahalaga ay magugustuhan ito ng aking pamilya.
BAKED TAHONG with SPINACH
Mga Sangkap:
1 kilo large size Tahong
50 grams Fresh Spinach (chopped)
1 bar Cheese (grated)
3 pcs. Large Tomatoes (chopped)
1 large Onion (chopped)
2 tbsp. Olive Oil
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Linising mabuti ang tahong. Mainam na ibabad ng mga 1 oras ito sa tubig at saka hugasang mabuti.
2. Sa isang kaserola, magpakulo ng tubig na may asin. Kapag kumulo na ilagay na ang tahong at hayaang isa-isa itong bumuka. Hanguin sa isang lalagyan. Alisin ang isang part ng shell na walang laman.
3. Sa isang bowl, paghaluin ang spinach, kamatis, sibuyas, olive oil, grated cheese, asin at paminta. haluin itong mabuti.
4. Ma-form sa kamay ng nais na dami ng pinaghalong sangkap at saka ilagay sa bawat piraso ng tahong.
5. Lutuin ito sa oven, oven toaster or turbo broiler hanggang sa matunaw lang ang cheese.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!

Comments
Thanks