Sinigang na Baboy



Masasabi kong tunay na lutong Pilipino ang sinigang na Baboy. Katulad ng Adobo, Pinoy na Pinoy ang dating nito. Wala sigurong Pinoy na hindi marunong magluto nito. Kaya kahit alam nyo na kung papano lutuin ito iginawa ko pa rin ng entry sa blog na ito.

Sabi ko nga ang Sinigang na Baboy ay katulad ng Adobo. Marami itong variety. Mapa isda, baboy o baka man ay pwede mong gaing sinigang. Marami ding klase ng sinigang. May sinigang sa sampalok which is the common sinigang na natitikman natin. Mayroon ding sinigang sa kamyas o kaya naman sa bunga ng bayabas. Yung nai-post ko na na sinigang sa miso. Pwede ding gumamit ng calamansi o lemon sa pang-asim sa sinigang. Kung baga endless ang pwedeng gamitin sa sinigang. At kahit saang parte ng mundo, sinigang is truly Filipino.


SINIGANG NA BABOY

Mga Sangkap:


1 - 1 1/2 kilo ng Baboy (Spare ribs ang ginamit ko dito)

1/4 kilo Gabing pang sigang

1 tali kangkong

1 tali sitaw

6 pcs. okra

4 pcs. siling pang sigang(chili fingers)

1 large na sibuyas

2 large kamatis

1 sachet Knorr Sinigang Mix na may gabi

Asin o patis


Paraan ng Pagluluto:

1. Sa isang kaldero o kaserola, ilaga ang karne o buto-buto ng baboy. Lagyan ng asin

2. After ng unang kulo, palitan ang tubig na pinagkuluan. Sa pamamagitan nito, maalis yung mga dugo ng buto-buto na umiiibabawa sa pinagpapakuluan.

3. Isalang na muli, lagyan muli ng tubig at asin ay hayaang lumambot.

4. Kung malambot na, ilagay ang ginayat ng sibuyas at kamatis. Hayaang kumulo.

5. After mg 5 minutes, unang ilagay ang gabi. Kung luto na ito, maaring ng isunod ang sitaw, okra at siling pang sigang.

6. Kung malapit ng maluto ang mga gulay, maari ng ilagay ang knorr sinigang mix at ang talbos ng kangkong.

7. Timplahan ng asin o patis ayos sa inyong panlasa

8. Ihain habang mainit ang sabaw


Masarap kainin ito na may sawsawang patis at dinurog na siling pangsigang.


Tara kain na tayo!!!

Comments

Anonymous said…
to dennis thanks sa mga recipes mo..i like it:)
Unknown said…
Dennis, as always salamat sa mga recipe na handog mo. Gusto ko i-share ang technique ko sa pag laga. after kasi ng unang kulo, kinukuha ko lang ang namumuong dugo/kung ano man yun gamit ang sandok, sayang kasi ang sabaw.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE