BAKED CHICKEN CORDON BLEU
May ilang recipes na din ako nitong Chicken Cordon Bleu sa archive. Sa mga recipes na ito, pa-prito ang ginagawa kong pagluto dito. Ang nagiging problema minsan kapag pa-prito hindi nalulutong mabuti ang loob lalo na kung may kakapalan ang chicken fillet na ginamit. Also, may tendency na bumuka ang bawat roll nito habang pini-prito.
This time para maiwasan ang ganoong problema, sa halip na i-prito, niluto ko na lang ito sa turbo broiler. Sinapinan ko ng wax paper ang griller at saka ko inilapag ang bawat piraso ng cordon bleu. Sa pinaka-mainit na setting pa din ang aking ginamit para naman hindi ma-dry ang laman ng manok. At eto na nga ang kinalabasan. Isang masarap na putahe para sa ating mahal sa buhay.
BAKED CHICKEN CORDON BLEU
Mga Sangkap:
6 pcs. Whole Chicken Breast Fillet (skinless)
6 pcs. Sliced Sweet Ham
6 pcs. Cheese logs (about 2 inches long)
1 pcs. Lemon or 8 pcs. Calamansi
1 pc. Egg (beaten)
Japanese Breadcrumbs
Salt and pepper to taste
Cooking Oil for frying
For the Sauce:
Mayonaise
Catsup
Salt and pepper
Paraan ng pagluluto:
1. Gamit ang kitchen mallet pitpitin ang chicken breast fillet hanggang sa numipis ito. Tiyakin lang na hindi masisira o mabubutas ang laman ng manok.
2. Timplahan ito ng asin, paminta at katas ng lemon o calamansi. Hayaan ng ilang sandali.
3. Ilatag ang isang piraso ng pinitpit na chicken fillet at lagyan sa ibabaw ng 1 pirasong sliced ham at 1 piraso cheese logs.
4. I-roll ito ng mahigpit at tiyakin na hindi nakalabas ang ham at cheese.
5. Igulong ito sa binating itlog at pagkatapos ay sa Japanese breadcrumbs naman.
6. Ilagay muna sa fridge ng mga 2 oras.
7. Lutuin ito sa oven o turbo broiler sa init na 250 to 300 degrees hanggang sa medyo pumula ang balat.
8. For the sauce, paghaluin laman ang mayonaise, catsup, asin at paminta.
9. Palamigin muna ng bahagya ang chicken cordon bleu bago i-slice.
Ihain kasama ang sauce na ginawa.
Enjoy!!!!!

Comments
Regards,
Dennis