STEAMED BROCCOLI with CHEESE
Ito ang vegetable dish na ipinares ko sa pan-fried pink salmon na niluto last Saturday para sa aming wedding anniversary lunch. Steamed Broccoli with Cheese.
Kagaya ng nabanggit ko sa aking previous post, kapag masarap na ang isda o gulay na lulutuin natin, hindi na kailangan pa ng kung ano-anong sangkap o pampalasa. Mainam na simpleng luto lang ang gawin dito para hindi matabunan ang natural na sarap ng pagkain.
The same sa broccoli na ito. Masarap ito na i-steam lang at lagyan ng kaunting seasoning. At sakto, tamang-tama sa pan-fried na salmon ang steam broccoli na ito. Espesyal talaga parqa sa isang espesyal na okasyon.
STEAMED BROCCOLI with CHEESE
Mga Sangkap:
500 grams Fresh Broccoli (cut into bite size pieces)
1/2 cup Grated Quick Melt Cheese
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Hugasan at ibabad ang broccoli sa tubig.
2. Ilagay ito sa heat proof na bowl at timplahan ng asin at paminta.
3. Isalang sa microwave oven at ilagay sa vegetable na setting.
4. Hanguin at ilagay sa ibabaw ang grated quickmelt cheese.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments