PORK CORDON BLEU with CREAMY GRAVY

Ito ang isa pang dish na natutunan ko sa cooking class na aking ina-attend-an at inihanda ko din sa nakaraan kong kaarawan.   Pork Cordon Bleu with Creamy Gravy.

Pangkaraniwang Cordon Bleu na nakakain natin at nakikita yung manok ang ginamit o Chicken Cordon Bleu.   Mas madali kasing maluto ang laman ng manok kaysa sa baboy.

Dun ako nagdadalawang isip kung pork nga ang gagamitin ko.   Baka kasi kako mahilaw ang loob na part ng karne.   Kaya ang ginawa ko, pinitpit ko muna ang karne gamit ang kitchen mallet  para numipis at ma-tenderized na din.   Also, sa katamtamang lakas ng apoy ko ito ipinirito para kako tiyak na maluto hangang loob.

At okay naman ang kinalabasan.   Masarap at nagustuhan ng aking mga kaibigan.


PORK CORDON BLEU with CREAMY GRAVY

Mga Sangkap:
2 kilos Pork Kasim o Pigue (yung batang karne ng baboy ang gamitin at pa-hiwa sa butcher ng manipis)
250 grams Sweet or Smokey Ham
Cheese (cut into logs)
2 pcs. Eggs (beaten)
Flour
Japanese Breadcrambs
Salt and pepper to taste
Cooking Oil for Frying
For the Gravy:
2 pcs. Pork Cubes (dissolved in 1 cup water)
1 cup Flour
1/2 cup Butter
1 tetra brick Alaska Crema
Salt and pepper to taste

 Paraan ng pagluluto:
1.   Gamit ang kitchen mallet, pitpitin ang na-slice na karne hanggang sa medyo numipis.
2.   Timplahan ito ng asin at paminta at hayaan ng mga 30 minuto.
3.   Lagyan ang ham at keso ang gitnang parte ng karne at saka i-roll ng mahigpit.   Lagyan ng toothpick para masara.
4.   Igulong sa harina ang bawat piraso ng na-roll na karne at sa ilubog naman sa binating itlog.   At pagkatapos ay i-roll naman sa Japanese breadcrumbs.   Ilagay muna sa isang lalagyan.   Hayaan muna sa fridge ng 30 minuto bago i-prito.
5.   I-prito ito ng lubog sa mantika sa katamtamang lakas ng apoy hangang sa maluto o mag-golden brown na ang kulay.   Hanguin sa isang lalagyan.
6.   For the gravy:   Sa isang sauce pan, ilagay ang butter.   Kapag natunaw na ito, ilagay naman ang harina para makagawa ng rough.   Halu-haluin.
7.   Sunod na ilagay ang tinunaw na pork cubes at patuloy na haluin.
8.   Timplahan ng asin at paminta at saka ilagay ang all purpose cream.   Patuloy ang halo.   Maaring lagyan pa ng tubig o harina hanggang sa makuha ang tamang lapot ng gravy.
9.   Tikman ang gravy at i-adjust ang lasa.
10.   Kung malamig na ang nilutong pork roll, i-slice ito.

Ihain kasama ang ginawang gravy.

Enjoy!!!!!

#cremamoments




Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy