CRAB STICKS & CHEESE SPRING ROLL


Unang ipinangalan ko sa dish na ito ay kani & cheese spring roll.   Kaya lang naisip ko na baka hindi pamilyar yung iba sa kung ano ang kani.   Kaya ginawa ko na lang na crab sticks and cheese spring roll para mas madaling maintindihan.

Masarap ang spring roll na ito.   Pagsamahin mo ba ang crab sticks at cheese papaanong hindi ito magiging masarap.

Winner ito na appetizer o pang ulam man.  I'm sure magugustuhan ito ng mga bata.   Try nyo din po.


CRAB STICKS & CHEESE SPRING ROLL

Mga Sangkap:
20 pcs. Lumpia Wrapper
20 pcs. Crab Sticks
Cheese (cut into sticks)
Cooking Oil
Egg white
1 cup mayonaise
1/2 cup Banana Catsup
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.  Hiwain sa gitna ang bawat piraso ng crab sticks.
2.  Ibalot ang hiniwang crab sticks at 1 piraso ng cheese sa lumpia wrapper.   Tiyakin na nakasara ang magkabilang dulo ng lumpia wrapper para hindi lumabas ang cheese kapag na-prito na ito.
3.   I-prito sa kumukulong mantika hanggang sa mag-golden brown na ang kulay.
4.   Hanguin sa isang lalagyang may paper towel.
5.   For the dip:  Paghaluin lamang ang mayonaise, catsup at kaunting asin at paminta.

Ihain habang mainit pa kasama ang dip na ginawa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy