PENNE PASTA OVERLOAD


Sa anumang espesyal na okasyon sa aming pamilya, hindi nawawala ang pasta dish sa aming hapag kainan.   At kagaya nitong naraang Noche Buena, syempre star at inaabangan ang pasta dish na lulutuin ko.

This time penne pasta ang niluto ko at nilahukan ko ng maraming sahog bukod pa sa 3 klase ng cheese an aking inilagay.   Sino ba naman ang hindi mapapa-ibig sa pasta dish na ito.   Hehehehe.


PENNE PASTA OVERLOAD

Mga Sangkap:
800 grams Penne Pasta (cooked according to package directions)
2 tetra brick Alaska Crema
1 big can Alaska Evap (yung red label)
500 grams Smokey Bacon (cut into small pieces)
250 grams Sweet Ham (cut into small pieces)
2 cups Cheese Wiz
1 cup Grated Cheese
1/2 cup Butter
1 tsp. Dried Basil
1 head Minced Garlic
2 pcs. Onions (chopped)
1 tsp. Fresh Ground Black pepper
Sat to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Lutuin ang penne pasta according to package directions.   I-drain.
2.   Sa isang medyo malaking kawali, i-prito ang bacon sa butter hanggang sa medyo matusta.    Hanguin ang kalhati sa isang lalagyan.
3.   Sunod na igisa ang bawang at sibuyas.   Halu-haluin.
4.   Ilagay na din ang sweet ham at hayaan ng ilang sandali.
5.   Ilagay na din ang dried basil, 1 cup ng cheese wiz, Alaska Evap at Alaska Crema.
6.  Timplahan na din ng kaunting asin at paminta.
7.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa
8.   Ihalo sa sauce ang nilutong penne pasta.   Haluin mabuti hangang sa ma-coat ng sauce ang lahat ng pasta.
9.   Hanguin sa isang square dish at ilagay sa ibabaw ang piniritong bacon, 1 cup na grated cheese at i-drizzle ang 1 cup pa na cheese wiz.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy