GROUND PORK in TWO WAY


Sa mga busy mom or dad na nagpe-prepare ng pagkain para sa kanilang pamilya,   itong 2 dish na ito ay para sa inyo.   Isang recipe lang kasi ito pero dalawang dish ang magagawa.   Madali lang naman itong gawin bukod pa sa mura lang ang inyong magagastos.   Budget friendly kung baga.

Actually, pwede ding 3 way.   Pwede din itong balutin sa siomai wrapper at i-steam o i-prito.   Panigurado ko magugustuhan din ito ng inyong pamilya.

Try nyo din po.



GROUND PORK in TWO WAY

Mga Sangkap:
1 kilo Lean Ground Pork
2 cups Chopped Fresh Basil Leaves
1 cup Grated Cheese
1 pc Large White Onion (chopped)
2 pcs. Fresh Eggs
1 tsp. Maggie Magic Sarap (optional)
Salt and pepper to taste
Lumpia Wrapper
Japanese Breadcrumbs
1/2 cup Flour or Cornstarch
Cooking Oil

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang bowl paghaluin ang ground pork, chopped basil leaves, grated cheese, chopped onion, fresh eggs, harina o cornstarch at timplahan ng maggie magic sarap, asin at paminta.   Haluing mabuti.    Gamitin ang kamay para mas mahalo ang lahat na mga sangkap.
2.   Para sa spring roll...maglagay ng nais na dami ng pinaghalong sangkap at saka ibalot o i-roll.   Lagyan ng tinunaw na cornstarch ang side ng lumpia wrapper para maisara.   Ilagay muna sa freezer bago i-prito.
3.   Para sa meat balls...  Mag-bilog sa nais na laki ng pinaghalong sangkap at saka i-roll sa Japanese breadcrumbs.  Ilagay muna sa freezer ng ilang sandali bago i-prito.
4.   I-prito ng lubog sa mantika hanggang sa maluto.

Ihain habang mainit pa na may kasamang sweet-chili sauce o catsup.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy