MELON SMOOTHIES


Sobrang init talaga ng panahon lalo na sa tanghali. Kaya naman bentang-benta ang mga pampalamig katulad ng halo-halo, ice cream at kung ano-ano sa paligid. Ofcourse doble ingat tayo sa mga nabibili natin sa labas...lalo na yung hindi tayo sure kung papaano ginawa.
Mas mainam na siguro na tayo na lang ang gumawa ng sarili nating palamig. Kung mayroon tayong blender, kahit anong prutas, kaunting yelo at gatas....presto! pwede na tayong mag-enjoy sa ating palamig.

Kagaya nitong entry natin for today. Simple but refreshing a pampalamig sa napaka-init na panahon. Again, walang exact na sukat ng mga sangkap para gumawa nito. Bahala na kayo kung gaano karami ang gusto ninyong gawin.

Dito sa ginawa, this is good for 2 to 3 persons. Try nyo!



MELON SMOOTHIES

Mga Sangkap:
1/2 Melon
1/2 cup Alaska evap (White label)
1/2 cup Honey
2 cups crashed ice
Sugar as needed

Paraan ng paggawa:
1. Alisin ang buto ng melon. Salain ang buto at kuhanin yung pinaka-katas ng melon
2. Hiwain ng pa-cubes ang melon.
3. Ilagay ang lahat ng sangkap sa blender hanggang sa madurong ang lahat ng sangkap at maging smoothies na.
4. Isalin sa isang tall glass at lagyan ng kapirasong hiwa ng melon at straw.

Enjoy!!!!

Comments

cool fern said…
2 thumbs up dito...
Dennis said…
Try mo din ilagay ang plain na yogurt....ok din...

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy