CRISPY PORK BACON FILLET

Nagre-request ang pangalawa kong anak na si James na magluto naman daw ako ng crispy bacon for breakfast.   Hindi ko siya mapagbigyan dahil medyo may kamahalan ang bacon.   Bukod sa mag-oover sa budget siguradong bitin sa kanila ang half kilo man lang.

Nitong nakaraang paggo-grocery namin nakita ko itong bacon cut pork sa SM supermarket sa Makati.   Maganda ang cut niya.   Medyo makapal ng kaunti at hindi ganun kalaki ang layer ng taba.   Naisip ko agad ang request sa akin ng aking anak kaya bumili ako ng 1 kilo nito.   At ito na nga ang kinalabasan ng aking niluto.   Crispy Pork Bacon Fillet with sawsawang suka on the side.   Yummy!!!!!


CRISPY PORK BACON FILLET

Mga Sangkap:
1 kilo Bacon Cut Pork Fillet
1 pc. Lemon or Lime
1 cup Cornstarch
1 tsp. Maggie Magic Sarap
1 tsp. Freshly Ground Black pepper
1 tbsp. Rock Salt
Cooking Oil for frying

Paraan ng pagluluto:
1.   I-marinade ang pork bacon fillet sa katas ng lemon o lime, asin, paminta at maggie magic sarap.   Hayaan ng mga 30 minuto o higit pa.
2.  Sa isang plastic bag o zip block, ilagay ang minarinade na pork fillet (huwag isama ang marinade mix) at cornstarch.    Alug-alugin hanggang sa ma-coat ng cornstarch ang lahat na piraso ng karne.
3.   I-prito ng lubog sa mantika hanggang sa maluto at maging golden brown ang kulay.
4.   Hanguin sa isang lalagyang may paper towel.

Ihain na may kasamang sawsawang suka na may asin, bawang at paminta.

Enjoy!!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy