VISITING MY MAMA LANDO in BICOL
Last FridayAugust 28 ay pumunta kami ng aking kapatid at tiya sa Daraga, Albay sa Bicol para dalawin ang aking Tiyo Lando na matagal na naming hindi nakikita dahil na din sa kanyang karamdaman. Na-stroke kasi siya 10 years ago at naparalisa ang kalhati ng kanyang katawan.
Day 1 - August 28
Alas-4 ng madaling araw ng dinaanan ako ng aking mga kasama sa may Ortigas papunta nga ng Bicol. Matagal ang naging byahe namin. 12 hours namin ito tinakbo at may 2 kaming stop-over.
Medyo maulan at makulimlim ang araw na yun. At nang punasok na kami ng Albay at nasilayan ko na ang Mt. Mayon, para akong natulala o namangha sa taglay niyang ganda.
Mag-a-alas kwatro kami nakarating sa tahanan ng aking tiyo sa Daraga. Masaya kaming sinalubong ng aming Tiya Gloria at umiiyak naman nakita kami ng aking Tiyo Lando. Tuwang-tuwa ako at nagkita ulit kami ng aking tiyo. Siya pala ang bunsong kapatid ng aking namayapang Inang Lina.
Kahit na medyo pagod at gutom sa byahe, umakyat kami agad sa 2nd floor ng kanilang bahay para mas makita namin ng maganda ang bulkang Mayon. At ganun na nga, parang abot kamay lang namin ang bulkan. At parang pinag-aadya pa na umaliwalas ang mga ulap na nakabalot dito at parang lalo niyang pinapakita ang kanyang ganda.
Kaya naman sinamantala namin ang papapa-picture para ma-capture ang nakaka-manghang tanawin na ito.
Pagkatapos noon ay pinakain na kami ng early dinner komo hindi nga kami nakapag-tanghalian sa kagustuhang makarating kami agad.
May sinigang na baboy, itong ginataang langka na may hipon at yung mga dala naming pagkain ang aming kinain. Sarap na sarap ako sa ginataang langka na ito dahil malasa at tamang-tama lang ang anghang ng sili.
Pagkatapos noon ay mahabang kwentuhan ang nangyari sa amin at sa aming Tiyo Lando. Maaga din kaming natulog dahil na din sa pagod at puyat sa byahe.
Day 2
Maaga kaming nagising lahat. Maaga din nakapag-almusal at handang-handa sa kung saan pupunta ng araw na yun.
Una naming pinuntahan ang tiyo namin sa pinsan na si Mama Oka na sa Legaspi City din nakatira. Malaki ang kanilang bahay at malugod naman nila kaming tinanggap. Di nga namin alam na kaarawan pala niya ng araw na yun at inimbitahan pa niya kami na bumalik dahil may party sa kinagabihan.
Di na rin kami nagtagal dahil marami pa kaming pupuntahan at nagluto ng tanghalian ang aming Tiya Gloria.
Sa aming pag-uwi, nadaanan namin itong katedral ng Legaspi. Renovated na ito pero bakas pa din ang lumang istraktura nito lalo na yung sa labas na bahagi ng simbahan. Dumaan kami sandali at naglaan ng kaunting dasal sa Panginoon.
By 12 noon ay naka-balik na din kami sa bahay ng aming Tiyo Lando. Pahinga lang sandali at nagkainan na kami ng isang masaganang pananghalian.
Ito ang the best na ulam na natikman ko sa pagbisita naming ito sa Bicol. Itong Tinutungang manok. Para din siyang tinola pero may gata at tnaglad na inilagay. Abangan nyo ang recipe nito sa mga darating na araw.
Mayroon din nitong Laing na pambansang ulam siguro ng Bicol. Masarap at tamang-tama lang din ang anghang.
May dala kaming crispy pata na inihain din para pagsaluhan namin.
Matapos managhalian naman ay nagluto ang kapatid kong si Shirley ng pancit palabok para sa kaarawan ng aming Tiyo Lando. Nag-birthday kasi siya nitong nakaraang August 27.
Masarap ang pansit palabok na niluto ng aking kapatid. Nilahukan din niya ito ng pusit.
At syempre may cake para sa may birthday.
Pagkatapos ng meryenda sa hapon ay nagpahinga lang kami sandali at nag-ready naman para lumabas at mamasyal.
Una naming tinungo ang Grand Terminal sa Legaspi City para mamili ngmga pasalubong. Baka daw kasi gahulin kami sa oras kung kinabukasan pa kami bibili.
Pagkatapos noon ay tumungo naman kami sa boulevard na nakalimutan ko ang pangalan. Isang mahabang dalampasigan ito na parang bay walk sa Manila. Ang ganda ng paligid nito at napaka-gandang pagmasdan ang Mayon habang kinakain ng dilim ang kapaligiran.
Ilang oras din kaming nagpahangin sa lugar na ito. Hindi ka magugutom dito dahil napakaraming tindahan na pwede mong pagpilian. Mayroon ding mga bar na may tumutugtog pang mga banda.
Pagdating namin sa bahay ay nag-salo-salo kaming muli para sa hapunan. Pagkatapos noon ay nagyaya naman ang pinsan kong si Mak para lumabas at mag-chill ng kaunti.
Isang bar na open-air ang paligid at may banda na kumakanta. Gabbis ba yung pangalan ng place? Okay yung lugar. Ang dami din naming napag-kwentuhan ng pinsan kong si Mak. 12 midnight na ata yun ng maka-uwi kami sa bahay.
Day 3 - August 30
Kahit puyat ay maaga pa rin kaming gumising para mag-simba. Pumunta kami sa simbahan ng Daraga na ang patron ay ang Our Lady of Gate o Nuestra Senora de la Porteria na malapit lang sa bahay ng aking tiyo. Ang simbahang ito ay nakatayo sa tuktok ng bundok kung saan kita mo ang buong Daraga at Legaspi.
Nag-uumpisa na ang misa ng kami ay dumating. Bagamat sa Bicol language ang salita sa misa, naging taimtim pa din ang aking naging pagsisimba dito.
Sa kaliwa pala ng simbahan ay tanaw na tanaw mo ang Mayon at bago kami lumisan ay sinamantala namin ang pagpapa-picture.
From the church ay dumiretso naman kami sa Cagsawa Ruins. Ito ang pamosong lugar na nakikita natin sa mga post card at libro. Sa unang pagtapak ko sa lugar na ito, hindi ko maipaliwanag ang ang nararamdamang saya dahil sa wakas ay nakita ko din ng harapan ang lugar na ito na nakikita ko lang dati sa mga libro at postcard.
At kahit na matindi ang sikat ng araw na yun tuloy ang picture-an sa napakagandang lugar.
O di ba? Wagas ang pagpo-pose....hehehehe
Pagkatapos noon ay nagpunta naman kami sa likod ng Mayon Volcano kung saan kami naman kumain ng aming panaghalian. Matagal din ang byahe na ginawa namin para marating ang lugar.
Para itong picnic area sa Tagaytay. Mataas yung lugar at kitang-kita mo ang napakalawak na paligid. Malamig din ang simoy ng hangin at hindi mo halos maramdaman ang sikat ng araw. Halos kalhati ng Mt. Mayon ang taas nito.
Nagsalo kami sa Inihaw na Baboy, laing, pritong isda, paksiw na pata at iba pa.
Pagkatapos naming kumain ay nag-ikot naman kami sa paligid at isa sa pinuntahan namin ay itong Mayon Planetarium. Nanood kami sandali sa isng audio visual presentation sa history ng Mt. Mayon at ang mga pagsabog na naganap mula pa noon.
Maliit lang yung lugar at after na malibot namin ito ay umalis na din kami.
Pagkatapos noon ay umakyat naman kami sa isng kapilya sa taas pa din ng Mayon na katabi lang ng Mayon Planetarium. Ginagawa pa ito dahil nasira ata ito nung tamaan ng malakas na bagyo. Nag-alay naman ako ng kaunting panalangin para sa aming lahat.
Bandang hapon na ng kami ay bumaba. Dumaan na din kami sa bilihan ng Pinangat at Niluokan na especialty ng Bicol.
August 31 ng madaling araw naman ay umuwi na kami pabalik ng Manila at Bulacan. Baon ang saya ng aming pagdalaw sa aking Mama Lando, ang magagandang tanawin at ang masasarap na pagkain na aming natikman.
Dalangin ko na sana ay makabalik kami sa lugar na ito para madalaw muli ang aking Mama Lando at muli pang tuklasin ang napaka-gandang lugar ng Bicol.
Hanggang sa muli....:)
Dennis

Comments