FOOD BLOGGING: Ano ba meron?
January 2009 ko nasimulan ang food blog kong ito. Na-inspire kasi ako sa isa ding Filipino blog na nagpo-post ng mga pagkaing kanyang niluluto para sa kanyang pamilya. Since then, na-inlove na ako sa pag-ba-blog ng aking mga niluluto.
Pero ano ba talaga ang meron sa blogging? Kung tutuusin wala ka naman talagang napapala sa gawaing ito. Matrabaho din kasi. Bukod kasi sa pag-iisip ng mga dish na ipo-post mo, nag-iisip ka din ng isusulat mo kapag ipo-post mo na.
Hindi lang naman yung mga niluluto ang pino-post ko sa food blog kong ito. Minsan din ay mga restaurant na aming kinainan o kaya naman ay mga events sa aming buhay na may kasamang pagkain.
Masaya din naman ang pagba-blog. Lalo na kapag nakaka-received ka ng mga email at comment mula sa iyong mga taga-subaybay. Yung iba nga sabi nila hindi daw sila marunong magluto pero nung nasubaybayan nila ang food blog kong ito natuto daw sila kahit papaano. At dahil sa mga comment na ganito itinutuloy ko pa din ang gawaing ito dahil sa isip ko kahit papaano pala ay nakakatulong ako.
Kahit papaano ay kikita ka din sa food blogging. Gamit ang Google Ads, makaka-earn ka ng points sa bawat click ng visitors mo sa mga Ads na ilalagay ng Google.
At isa pa, dahil sa food blog kong ito, nakilala ako kahit papaano at nagkaroon ako ng pagkakataon na makasali sa mga contest ng pagluluto.
So balik tayo sa tanong, ano ba ang meron sa Food Blogging? For me, self satisfaction. Bukod kasi sa naipagluluto ko ng masasarap na pagkain ang aking pamilya, nakakatulong din ako sa ibang tao na bago pa lang nag-aaral na magluto. Yun lang ay okay na sa akin para ipagpatuloy ko pa ang gawaing ito. Sana lang ay patuloy nyo akong subaybayan sa aking food blog na ito.
Maraming salamat po sa inyong lahat.

Comments
Thanks again for your continued support
Dennis