CHICKEN BROCCOLI
Nitong huli kong pamimili sa SM Supermarket sa may Sta. Mesa, may nakita akong magandang cut ng chicken thigh fillet. Maganda kasi nakasama pa yung skin nito at medyo malalaki ang piraso. Although sabihin na natin na hindi healthy yung balat ng manok pero kung paminsan-minsan naman ay okay lang siguro. Yung balat kasi ng manok ang nagbibigay ng extra flavor at moist sa manok.
Nung makita ko nga ang mga chicken thigh fillet na ito, isang dish lang ang naisip kong gawin. At ito na ngang Chicken Broccoli. Masarap ito. For sure magugustuhan din ito ng inyong pamilya.
CHICKEN BROCOLLI
Mga Sangkap:
3/4 kilo Chicken Thigh Fillet
1/2 kilo Broccoli (cut into bite size pieces)
1/2 cup Oyster Sauce
1/2 cup Soy Sauce
1 tbsp. Brown Sugar
1 thumb size Ginger (cut into strips)
5 cloves Minced Garlic
1 pc. Onion (sliced)
3 tbsp. Cooking Oil
1 tsp. Sesame Oil
1 tsp. Cornstarch (dissolved 1/2 cup water)
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ng asin at paminta ang bawat piraso ng chicken thigh fillet. Hayaan ng ilang sandali.
2. Sa isang non-stick na kawali i-brown ng bahagya ang magkabilang side ng chicken fillet. Hanguin sa isang lalagyan..palamigin....at hiwain ng pahaba sa nais na laki.
3. Sa parehong kawali igisa ang luya, bawang at sibuyas. Halu-haluin.
4. Sunod na ilagay ang hiniwang na-brown na chicken fillet at timplahan ng toyo, oyster sauce at brown sugar. Halu-haluin. Maaring lagyan ng kaunting tubig (mga 1/2 cup) Hayaang maluto ng mga 2 minuto.
5. Sunod na ilagay ang broccoli. Takpan at hayaang maluto ito. Huwag i-overcooked
6. Huling ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
7. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!
Comments