CHICKEN MUSHROOM and BROCCOLI in OYSTER SAUCE






Dapat sana ay gagwin ko lang fried chicken ang mga chicken drumsticks na ito na nabili ko nitong nakaraang pag-go-grocery namin.   Kaya lang naisip ko, pritong manok na naman?   Parang boring na ang dating nito sa akin.

Kaya naisipan kong lutuin ito sa mushroom at oyster sauce.   Naisipan ko ding lagyan ng broccoli para mas mapasarap pa ito.   So hindi lang ito mukhang masarap kundi masarap sa lasa talaga.  Hehehehe.


CHICKEN MUSHROOM and BROCCOLI in OYSTER SAUCE

Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Drumsticks
500 grams Broccoli (cut into bite size pieces)
1 small can Sliced Mushroom
1/2 cup Oyster Sauce
1/3 cup Soy Sauce
5 cloves Minced Garlic
2 thumb size Ginger (cut into strips)
1 large size Onion (sliced)
1 tbsp. Brown Sugar
1 tsp. Sesame Oil
Salt and Pepper to taste
3 tbsp. Cooking Oil
1 tbsp. Cornstarch

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa mantika.
2.   Ilagay na agad ang manok at timplahan ng asin at paminta.   Haluin at hayaang masangkutsa ang manok.
3.   Ilagay ang toyo at sliced mushroom (kasama ang sabaw).   Takpan at hayaang maluto ang manok.
4.   Kung sa tingin nyo ay luto na ang manok, ilagay na ang oyster sauce at brown sugar.
5.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
6.   Ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
7.   Huling ilagay ang broccoli at takpan.   Hayaan lang ng 1 minuto at patayin na ang kalan.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy