FISH STEAK in OYSTER SAUCE
Marami sa ating mga Kristyanong Katoliko ang nangingilin sa pagkain ng karne tuwing Biyernes sa mga panahon ng kwaresma. Kami sa bahay kahit papaano ay ginagawa din ito. Dito man lang ay makagawa kami kahit munting sakrispisyo lamang.
Para hindi naman maging boring ang pagkain natin ng isda sa mga panahong ito, okay lang siguro na lagyan natin ng twist ang ating mga niluluto. Kagaya nitong yellow pin tuna na ito, sa halip na simpleng prito, nilagyan ko pa ito ng sauce para mas lalo pang mapasarap. Try nyo din po.
FISH STEAK in OYSTER SAUCE
Mga Sangkap:
1 kilo Yellow Pin Tuna (sliced)
1/2 cup Oyster Sauce
1/4 cup Soy Sauce
1 tbsp. Brown Sugar
1 thumb size Ginger (grated)
1 head Minced Garlic
2 pcs. Large White Onion (cut into rings)
1 tbsp. Cornstarch (dissolved in water)
Salt and pepper to taste
Cooking Oil for Frying
1 tsp. Sesame Oil (optional)
Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ng asin at paminta ang bawat piraso ng yellow pin tuna. Hayaan ng ilang sandali.
2. I-prito ito hanggang sa maluto at pumula ang magkabilang side. Hanguin sa isang lalagyan.
3. Sa isang sauce pan i-prito ang sibuyas sa mantika hanggang sa medyo maluto ito. Hanguin sa isang lalagyan.
4. I-prito din ang bawang hanggang sa mag-golden brown ang kulay. Hanguin din sa isang lalagyan.
5. Sunod na ilagay ang grated ginger. Halu-haluin.
6. Ilagay na ang toyo, oyster sauce, brown sugar, kaunitng asin at paminta. Hayaang kumulo.
7. Huling ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
8. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
9. Ibuhos ang sauce sa piniritong isda at lagay sa ibabaw ang onion rings at tinustang bawang.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments