CRABS and BOK CHOY in OYSTER SAUCE


Sa mga panahon ng kuwaresma, pinipilit talaga naming hindi kumain ng karne para isang maliit na sakripsiyo sa mga mahal na araw.   Kaya lang, sakripisyo bang matatawag kung ito namang alimangong ito ang aking ipapakain sa aking pamilya?    Tingnan nyo naman ang aligue at taba ng alimango na ito.....hehehehe.   Huh!   Minsan lang naman...hehehe.   Gusto kasi ito ng aking asawang si Jolly kay ito niluto ko.    Hehehehe.



CRABS and BOK CHOY in OYSTER SAUCE

Mga Sangkap:
1.5 kilos Female Crabs
250 grams Bok Choy
1/2 cup Oyster Sauce
1 tbsp. Brown Sugar
2 thumb size Ginger (cut into strips)
1 pc. large Onion (sliced)
5 cloves Minced Garlic
Salt and pepper to taste
2 tbsp. Cooking Oil

Paraan ng pagluluto:
1.   Linising mabuti ang mga alimango.   Gumamit ng brush kung kinakailangan para maalis yung mga putik at dumi sa katawan ng alimango.
2.  I-steam ito sa isang kaserolang may tubig at asin.   Hanguin at palamigin.
3.   Hatiin sa dalawa ang bawat piraso ng alimango.
4.   Sa isang kawali igisa ang luya, bawang at sibuyas sa kaunting mantika.
5.   Ilagay na ang oyster sauce at mga 1/2 tasang tubig at timplahan na din ng kaunting asin at paminta.
6.   Ilagay na din ang alimango, bok choy at brown sugar.   Haluin ng bahagya para ma-coat ng sauce ang lahat na piraso ng alimango.
7.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy