CRABS in OYSTER SAUCE

Ito ang isa pa sa dish na ipinaluto ng pamangkin naming balikbayan na si Marissa para sa kanilang welcome dinner.   Katulad ng hipon na nai-post ko kahapon, sa Farmers market din sa Cubao ko ito binili.   Nakakatuwa dahil ang tataba ng aking nabili at siksik na siksik talaga ng aligue ang takip nito.

Hindi kami madalas mag-ulam nito sa bahay.   May kamahalan kasi ang per kilo nito.  Imagine nare-range sa P400 to 550 ang per kilo nito.   Pero okay din lang.   Kung ganito naman kataba ang inyong alimango ay babalik-balikan mo talaga ang iyong binilhan.   hehehehe.

Simpleng luto din lang ang ginawa ko dito.   Ginisa ko lang sa luya, bawang at sibuyas at nilagyan ko ng oyster sauce...panalo ang sarap at lasa ng alimangong ito.   Yun lang hinay-hinay din at napaka-lakas ng cholesterol nito.   hehehehehe


CRABS in OYSTER SAUCE

Mga Sangkap:
2 kilos Alimango o Crabs (piliin yung babae)
1/2 cup Oyster Sauce
2 thumb size Ginger (cut into strips)
1 large Onion (sliced)
1 head minced Garlic
2 tbsp. Brow Sugar
3 tbsp. Cooking Oil
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   I-steam ang alimango sa karirolang may tubig at asin ng mga 30 minuto.   Hanguin.   Palamigin.  Hiwain sa dalawa.
2.   Sa isang medyo malaking kawali, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa mantika.
3.   Ilagay ang oyster sauce, brown sugar at mga 1 cup na tubig.   Timplahan na din ng asin at paminta.   Hayaang kumulo ng bahagya.
4.   Ilagay ang hiniwang alimango at haluin mabuti.   Takpan at hayaan ng 5 minuto pa.
5.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy