ALIMANGO in OYSTER SAUCE


Happy Halloween!!!!   Sigurado akong busy na busy tayo sa paghahanda para sa Undas.   Yung iba busy naman sa kung ano ang pwedeng ihanada o dalhin na pagkain sa sementeryo.   Para na rin kasi itong reunion ng pamilya.   Sama-sama tayong dumadalaw sa puntod ng ating mga mahal sa buhay.

Syempre komo reunion ito ng pamilya, dapat lang na espesyal ang ating mga ihahanda.   Kaya isina-suggest ko itong Alimango in Oyster Sauce.   Sigurado ako na masisiyahan ang lahat sa ulam na ito.


ALIMANGO in OYSTER SAUCE

Mga Sangkap:
2 kilos medium size Female Alimango (linising mabuti)
1/2 cup Oyster Sauce
2 cups Chicken or Pork stock
1 tsp. Cornstarch
2 tbsp. Brown Sugar
1/2 cup Soy Sauce
2 thumb size Ginger (cut into strips)
1 large Onion (sliced)
5 cloves minced Garlic
Salt and pepper to taste
2 tbsp. Cooking Oil

Paraan ng pagluluto:
1.   Linising mabuti ang alimango.   Mainam na ma-brush yung mga dumi o putik na naka-dikit sa shell.
2.  I-steam ito na may kaunting asin hanggang sa maluto at pumula na ang shell.
3.  Palamigin at hiwain sa dalawa o sa gitna ang bawat piraso ng alimango.
4.   Sa isang kawali igisa ang luya, bawang at sibuyas sa mantika.
5.   Ilagay na agad ang chicken o pork stock.   Hayaang kumulo.
6.   Ilagay na din ang oyster sauce, toyo at brown sugar.
7.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
8.   Ilagay na din ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
9.   Ihalo ang na-steam na alimango sa sauce at haluin mabuti.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy