TOFU CHOPSUEY

Ito ang vegetable dish na inihanda ko nitong nakaraan kong kaarawan.   Tofu Chopsuey.

Naisip ko na ito ang gulay na ihanda para healthy naman.   Marami din kasi ang nag-e-email sa akin na nag-re-request ng vegetable dish.

Hindi pala ako nag-lagay ng sukat o dami ng mga gulay na gagamitin.   Nasa sa inyo na yun kung gaano karami ang gusto nyong lutuin.   Bahala na kayong tumantya sa dami ng oyster sauce at tofu na ilalagay.

I'm sure magugustuhan nyo ang luto na ito.


TOFU CHOPSUEY

Mga Sangkap:
1/2 cup Oyster Sauce
Brown Sugar
5 cloves Minced Garlic
1 large Onion (sliced)

Tofu o tokwa
Sayote (balatan at hiwain sa nais na laki)
Carrots (balatan at hiwain sa nais na laki)
Cauliflower (hiwain sa nais na laki)
Baguio Beans (hiwain ng mga 1 inch na haba)
Young Corn (sliced)
Red Bell Pepper (cut into cubes)
Repolyo (hiwain sa nais na laki)
Celery (hiwain sa nais na laki)
Salt and pepper to taste
1 tbsp Cornstarch
3 cups. Cooking Oil
1 cup Chicken Stock or 2 pcs. Chicken Cubes dissolved in 1 cup water

Paraan ng pagluluto:
1.   Hiwain ang tofu o tokwa sa nais na laki.
2.   I-prito ito sa kumukulong mantika hanggang sa maluto.
3.   Alisin ang mantika sa kawali at magtira lamang ng mga 2 kutsara.
4.   Igisa ang bawang at sibuyas.   Halu-haluin.
5.   Sunod na ilagay ang carrots, sayote, Baguio beans, young corn at cauliflower.  
6.   Timplaha ng asin at paminta at ilagay ang chicken stock.   Takpan at hayaang maluto ang gulay.
7.   Sa kalagitnaan ng pagluluto, ilagay na ang red bell pepper, celery at repolyo.
8.  Ilagay na din ang oyster sauce, brown sugar at tinunaw na cornstarch.   Halu-haluin.
9.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy