SQUID BALLS & KANGKONG in OYSTER SAUCE


Sa bahay, kapag pritong isda ang ulam, sinasamahan ko pa ito nang kung hindi gulay ay soup.   Nakasanayan na namin ito.  Para kasing bitin kung yung pritong isda lang ang ulam.  Hehehehe.   Dry na dry di ba?   At isa pa pinipilit ko na may gulay palagi ang ulam namin para makasanayan ng aking mga anak ang pagkain ng gulay lalo na ang pangalawa kong anak na si James.   Try nyo din po ito.


SQUID BALLS & KANGKONG in OYSTER SAUCE

Mga Sangkap:
15 pcs. Squid Balls (cut into half)
2 tali Kangkong o Water Spinach (hiwain nang mga 1 inch ang haba)
4 tbsp. Oyster Sauce
1 tsp. Brown Sugar
5 cloves Minced Garlic
1 pc. Onion (sliced)
Salt and pepper to taste
3 tbsp. Cooking Oil

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kawali i-prito ang squid ball sa mantika hanggang sa medyo pumula ito.
2.   Itabi lang sa gilid ng kawali ang squid balls at i-gisa ang bawang at sibuyas.
3.   Sunod na ilagay ang kangkong at oyster sauce.   Maaring lagyan ng kaunting tubig.   Halu-haluin.
4.   Timplahan ng asin, paminta at brown sugar.
5.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy