SQUID RINGS in OYSTER SAUCE


May nabiling pusit ang asawa kong si Jolly na medyo may kalakihan.   Ito ata yung pangkaraniwang ginagawang calamares sa mga resto o paluto store.

Gusto ng mga anak ko ang calamares pero medyo matrabaho ito at nangangailangan ng medyo maraming mantika sa pagpi-prito.

Kaya naisip ko na lutuin na lang ito with oyster sauce.   At hindi naman ako nagkamali, masarap ang kinalabasan ng aking seafood dish.   Sabagay, ano ba ang mamamali kapag nilagyan mo ng oyster sauce?    Hehehehe


SQUID RINGS in OYSTER SAUCE

Mga Sangkap:
1 kilo large size Squid (cut into rings)
3 tbsp. Oyster Sauce
1 thumb size Ginger (cut into strips)
5 cloves Minced Garlix
1 pc. large White Onion(sliced)
1 tbsp. Brown Sugar
1 tbps. Cornstarch
Salt and pepper to taste
3 tbsp. Cooking Oil
Leeks or Spring Onion to garnish

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang non-stick na kawali o kaserola igisa ang luya, bawang at sibuyas sa mantika.   Halu-haluin ng ilang sandali.
2.   Sunod na ilagay ang hiniwang pusit kasabay na din ang oyster sauce at timplhan na din ng asin, paminta at brown sugar.   Halu-haluin.   Hayaang maluto lamang ng mga 2 minuto.   Kapag tumagal kasi ay baka tumigas lalo ang pusit.
3.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
4.   Huling ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
5.  Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang hiniwang leek or spring onions.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!



Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy