DAING na BANGUS with OYSTER SAUCE
Kapag kumakain daw tayo, ang unang kumakain ay ang ating mga mata at pag-iisip. Kung baga, mas ginaganahan tayong kumain kapag maganda ang itsura nakakatakam ang pagkaing naka-hain sa atin.
But ofcourse hindi dapat makalimutan ang lasa ng pagkain na ating ihahain. Baka naman maganda nga tingnan pero wala namang lasa. Kaya nga sa mga buffet na kainan tinitingnan ko muna lahat ng nakahain bago ako kumuha. Balik na lang ulit kung nagustuhan ko ang pagkain.
Ganito ang ginawa ko sa simpleng daing na bangus na ito. Simpleng timpla sa daing na bangus at pagkatapos ay nilagyan ko ng ginisa sa luya na pyster sauce. At para maging katakam-takam sa mata, nilagyan ko pa ito ng caramelized onion at toasted garlic bits sa ibabaw.
Di ba nakakatakam naman talaga? Try nyo din po.
DAING na BANGUS with OYSTER SAUCE
Mga Sangkap:
2 pcs. medium size Boneless Bangus
1/2 cup Oyster Sauce
1 thumb size Ginger (cut into strips)
3 pcs. White Onions (cut into rings)
5 cloves Minced Garlic
2 tbsp. Toasted Garlic Bits
1/2 cup Soy Sauce
1 tsp. Cornstarch dissolved in 1 cup Water
2 tbsp. Brown Sugar
1 tsp. Sesame Oil
Salt and Pepper to taste
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Cooking Oil for frying.
Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ang daing na boneless bangus ng asin, paminta at maggie magic sarap. Hayaan ng ilng sandali.
2. I-prito ito sa kumukulong mantika hanggang sa maluto. Hanguin sa isang lalagyan.
3. For the sauce: Igisa ang onion rings sa mantika hanggang sa medyo maluto lang ito. Hanguin sa isang lalagyan
4. Sunod na igisa ang luya at bawang. Halu-haluin.
5. Ilagay ang toyo, oyster sauce at ang tinunaw na corntarch.
6. Ilagay na din ang brown sugar at ang sesame oil. Halu-haluin hanggang sa lumabot ang sauce.
7. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
8. Ibuhos ang sauce sa bawat piraso ng piniritong bangus at saka ilagay sa ibabaw ang piniritong onion rings at ang toasted garlic bits.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments