ROASTED TURKEY

Ang Roasted Turkey na ito ang naging center piece ng aming nakaraang Noche Buena.   Dapat sana Roasted Peking Duck ang una kong plano kaso hindi ito available sa Chinese Restaurant na dati kong binibilhan.

First time ko lang magluto nitong Roasted Turkey.   Naghanap pa nga ako ng pinka-simpleng recipe sa Internet para dito.   Iniisip ko nung una kung papakuluan ko muna ito bago i-roast o diretso na sa turbo broiler.   Problema ko din nung una kung magkakasya ba ito sa turbo broiler at kung ano ang pwede kong alternative kung hindi nga kasya.   Pero sinunod ko pa rin ang instict ko at naging maganda naman ang resulta ng aking first attempt.   Isang masarap at malasang roasted turkey para sa aking mga mahal sa buhay.


ROASTED TURKEY

Mga Sangkap:
1 whole Turkey
2 pcs. Lemon
2 heads Minced Garlic
1 whole Onion
Butter
Salt and pepper to taste
For Mushroom Gravy:
1 can Sliced Mushroom
1/4 bar Butter
2 tbsp. Minced Garlic
1/2 cup All Purpose Flour
2 tbsp. Soy Sauce
2 cups Chicken Stock
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Linising mabuti ang loob at labas ng turkey.
2.   Kiskisan ng pinaghalong asin at paminta ang katawan ng turkey pa din ang loob nito.
3.   Kiskisan din ito ng hiniwang lemon at dinikdik na bawang.   (loob at labas)
4.   Hayaang ma-marinade ito sa katas ng lemon ng overnight.
5.   Kapag lulutuin na, lagyan, pahiran ng butter ang loob at labas ng turkey.
6.   Pasakan ng hiniwang lemon, sibuyas at bawang ang loob ng turkey.
7.   Lutuin ito sa turbo broiler (breast down) sa init na 250 degrees o pinaka-mainit na settings at hayaang maluto.
8.   Kung mapula na ang balat, baligtarin ito para pumula naman ang ilalim na side.
9.   For the gravy:   Sa isang sacue pan, ilagay ang butter hanggang sa matunaw.
10.   Sunod na ilagay ang all purpose flour at halu-haluin.
11.   Ilagay na ang sliced canned mushroom at timplahan ng asin at paminta.
12.   Ilagay na din ang chicken stocks at toyo.   Halu-haluin hanggang sa lumapot ang gravy.   Maaring i-adjust ang pagkalapot nito sa paglalagay ng harina o tubig.
13.   Tikman ang gravy at i-adjust ang lasa.

I-serve ang roasted turkey ng mainit pa kasama ang ginawang mushroom gravy.

Enjoy!!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy