CHICKEN FILLET and TOFU in OYSTER and BLACK BEAN SAUCE
Nakabili ako ng 1 kilo na chicken breast fillet. Dapat sana gagawin ko itong chicken roulade stuffed with chinese chorizo. Pero hindi ito natuloy sa hindi ko matandaan na dahilan. Kaya ang nangyari, yung ilang piraso ng chicken breast ay niluto ko na lang na chicken katsu tama lang para sa kakainin ng aking mga anak. Tuloy, naging alanganin yung natira pang chicken breast para sa isa pang dish.
Dito ko naisipan na bakit hindi ko na lang haluan ito ng gulay. So parang chopsuey ang kakalabasan. Kaso hindi pala masyadong mahilig sa gulay ang aking mga anak. Ang ginawa ko na lang, hinaluan ko ito ng fried tofu at nilagyan ko ng oyster sauce at black bean sauce o tausi.
Also in this dish, ginawa ko yung technique na nabasa ko sa isang blog para mas maging tender ang laman ng manok. Alam naman natin na medyo dry ang chicken breast. Ito ay sa pamamagitan ng pag-gamit ng baking soda bago i-marinade ang manok. Try nyo din po. Sabi nga ng mga anak ko, malambot nga daw yung manok.
CHICKEN FILLET and TOFU in OYSTER and BLACK BEAN SAUCE
Mga Sangkap:
1/2 kilo Chicken Breast Fillet (cut into cubes)
1/2 kilo or 500 grams Tofu o Tokwa (cut into cubes)
1/2 cup Oyster Sauce
2 tbsp. Black Bean Sauce o Tausi
1/2 cup Soy Sauce
1 tbsp. Rice Wine
1 thumb size Ginger (cut into strips)
1 head Minced Garlic
1 large Onion (sliced)
1 tbsp. Cornstarch
1 tsp. Sesame Oil
1 tbsp. Brown Sugar
Salt and pepper to taste
Cooking Oil for frying
1 tsp. Baking Soda
Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang hiniwang chicken breast fillet sa baking soda sa loob ng 15 minuto.
2. Hugasan itong mabuti at saka i-marinade naman sa cornstarch, rice wine, asin at paminta. Hayaan ng 15 minuto muli.
3. Habang minamarinade ang manok, maaaring i-prito muna ang tofu ng lubog sa mantika hanggang sa maluto at maging crispy. Hanguin muna sa isang lalagyan.
4. Magtira ng mga 2 kutsarang mantika sa pinagprituhan ng tokwa at igisa ang luya at bawang.
5. Isunod na agad ang minarinade na manok at halu-haluin para di manikit.
6. Ilagay na din ang toyo, black bean sauce, oyster sauce at brown sugar. Maaaring lagyan ng tubig kung kinakailangan.
7. Ilagay na ang sibuyas.
8. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
9. Huling ilagay ang nilutong tokwa at haluing mabuti.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments