CRISPY TOKWA'T BABOY
Pangkaraniwang tokwa't baboy na alam natin ay yung iniuulam natin sa mainit na lugaw o congee. Actually, itong recipe natin for today ay halos pareho lang nun. Ang pagkakaiba lang ay ang pagkaluto sa baboy. In this recipe, minarinade muna siya, nilagyan ng breadings at saka pinirito hanggang sa maluto at maging crispy. Pwede din naman itong ipang-ulam sa lugaw pero masarap na masarap din ito na pang-ulam mismo sa kanin. Nagustuhan nga ito ng aking mga anak.
CRISPY TOKWA'T BABOY
Mga Sangkap:
1/2 kilo Pork Liempo
5 pcs. Tokwa
1 tsp. Garlic Powder
1 cup Flour or Cornstarch
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste
Cooking Oil for frying
1 cup Cane Vinegar
1/2 cup Soy Sauce
1 tsp. Salt
1 tbsp. Sugar
1 pc. White Onion (sliced)
Ground Black Pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Hiwain ang pork liempo ng mga 3 inches ang haba.
2. Timplahan ito ng asin, paminta, maggie magic sarap at garlic powder. Hayaan ng mga 30 minuto.
3. Sa isang plastic bag ilagay ang minarinade na liempo at lagyan ng cornstarch o harina. Alug-alugin hanggang sa ma-coat ang bawat piraso ng liempo ng breadings.
4. Habang mina-marinade ang liempo, maaring unahin nang i-prito ang mga tokwa na hiniwa nang pa-cubes. Hanguin sa isang lalagyan.
5. Sunod na i-prito ang liempo hanggang sa maluto at pumula ang magkabilang side. Hanguin sa isang lalagyan.
6. For the sauce: Paghaluin ang suka, toyo, asin, asukal at paminta. Isalang ito sa apoy hanggang sa kumulo.
7. To assemble: Hiwain ang nilutong liempo halos kasing laki ng mga nilutong tokwa.
8. Ihalo ang hinwang sibuyas at nilutong sauce. Haluing mabuti.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments