BEEF and TOFU in TERIYAKI SAUCE
Last week, nag-luto ako ng nilagang baka para sa aming dinner. Siguro mga 1.5 kilos yun kasama na ang mga buto-buto at sa tingin ko ay sobra-sobra yun para sa amin kaya naisipan kong alsin yung ibang laman at yung mabubutong part ang itinira ko para sa nilaga.
Ilang araw din ang itinagal ng natirang laman ng baka na yun sa aming fridge at naisipan kong lutuin na ulit ito. Kaya lang, parang bitin naman sa amin ang natirang laman at nag-iisip ako kung ano ang pwede kong idagdag para dumami. Kung lalagyan ko ng gulay, sobrang mahal naman nito ngayon at baka masayang lang komo hindi mahilig sa gulay ang aking mga anak. Dito ko naisipan ang tofu o tokwa. Bakit hindi? Masarap ito at ayos na ayos na pang-extender sa anumang lutuin. Dapat sana ay sa oyster sauce ko lang ito lulutuin pero nagbago ang isip ko nang makita ko naman ang bote ng teriyaki sauce sa supermarket. At eto na nga...isang winner na dish para sa inyong lahat.
BEEF and TOFU in TERIYAKI SAUCE
Mga Sangkap:
1/2 kilo Beef Brisket (Boiled until tender then cut into bite size pieces)
1 block Tofu (cut into cubes)
1/3 cup Teriyaki Sauce
2 tbsp. Soy Sauce
5 cloves Minced Garlic
1 medium size Red Onion Sliced
1 tbsp. Brown Sugar
1 tsp. Sesame Oil
1 tsp. Cornstarch
Cooking Oil for frying
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kawali i-prito ang tofu o tokwa ng lubog sa mantika hanggang sa maluto at mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyan.
2. Mag-tira ng mga 2 kutsarang mantika sa kawali at igisa ang bawang at sibuyas.
3. Isunod na ang hiniwang laman ng baka at timplahan na agad ng asin, paminta at toyo. Hayaang kumulo sandali.
4. Isunod na ilagay ang teriyaki sauce at brown sugar. Lagyan din ng kaunting tubig (1/2 cup). Halu-haluin.
5. Huling ilagay tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce at ang sesame oil.
6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments