STUFFED TOFU with MINCED PORK & VEGETABLES
Parang napaka-espesyal ng tofu dish na ito pero sa totoo lang nabuo ang dish na ito dahil sa tira-tirang giniling na ginamit ko sa chicken relyeno. Yes, yung entry ko nitong mga nakaraang araw.
Nung may natira pang pampalaman sa chicken relyeno, ito agad stuffed tofu ang naisip ko na gagawin. But thake note na ang pinaka-magdadala sa dish na ito ay yung sauce na kasama.
Kaya sa mga mahilig sa tofu o tokwa, ito ang dish na para sa inyo. Actually limitless ang pwede nyong ipalaman sa tofu. Kung gusto ninyo ay puro gulay naman na parang lumpia. O kaya naman ay minced chicken. Again, nasa sauce ang magdadala sa dish na ito.
STUFFED TOFU with MINCED PORK & VEGETABLES
Mga Sangkap:
2 blocks Tofu (cut into 1/2 inch thick)
250 grams Ground Pork
1 cup Mix Vegetables (carrots, corn, green peas)
1/2 cup Raisins
1/2 cup Bacon or Ham (cut into small pieces)
1/2 cup Grated Cheese
1 pc. Red Bell pepper (cut into small cubes)
1 pc. Onion chopped
5 cloves minced Garlic
2 tbsp. Oyster Sauce
1 tbsp. Soy Sauce
1 tsp. Brown Sugar
1 tsp. Sesame oil
Salt and pepper to taste
For the Sauce:
1/2 cup Sweet Soy Sauce
2 tbsp. Hoisin Sauce
1 tbsp. Grated Ginger
3 cloves minced Garlic
1 tbsp. Brown Sugar
1 tsp. Cornstarch
1 tsp. Sesame oil
Paraan ng pagluluto:
1. I-prito ang tofu hanggang sa maluto. Palamigin sa isang lalagyan.
2. Bawasan ang mantika sa kawali at magtira lamang ng mga 2 kutsara.
3. Igisa dito ang bawang at sibuyas.
4. Sunod na ilagay ang giniling na baboy. Timplahan na ng asin at paminta. Halu-haluin hanggang sa mawala ang pagka-pink ng karne.
5. Sunod na ilagay ang mix vegetables, ham or bacon, red bell pepper at raisins.
6. Timplahan na din ng oyster sauce, toyo at brown sugar.
7. Huling ilagay ang grated cheese at sesame oil. Halu-haluin. Hanguin sa isang lalagyan.
For the sauce:
8. Sa isang sauce pan, ilagay ang grated ginger, minced garlic, sweet soy sauce, brown sugar at hoisin sause. hayaang kumulo sa mahinang apoy. Halu-haluin.
9. Timplahan ng konting asin at paminta kung kinakailangan.
10. Lagyan ng tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
11. Tikman at i-adjust ang lasa.
12. Huling ilagay ang sesame oil.
To assemble:
13. Hiwaan sa gitna ang tofu na parang gagawa ka ng bulsa o pocket.
14. Lagyan ng tamang dami ng nilutong giniling ang pocket ng tofu.
Ihain ito kasama ang sauce na ginawa.
Enjoy!!!!
My entry @
Comments
Thanks J.
Hopping from Food Trip Friday.
Thanks for visiting...