BEEF and TOFU with BLACK BEANS SAUCE


Sa aming bahay, masasabi kong balanse ang kinakain naming pagkain. Basta ikot lang ang isda, manok, baboy at baka na pang-ulam sa buong linggo. Ang gulay naman ay inilalahok ko na lang sa kung anon mang luto ang gagawin.


Isang beses lang kami mag-ulam ng baka sa isang linggo. Bukod sa may kamahalan ang karne nito, matagal pa itong palambutin. Tiyak ubos ang cooking gas mo pag ito ang lulutuin mo.


Kapag nga ganitong may kamahalan ang baka, ang ginagawa ko ay lahukan ng gulay o kaya naman ay gamitan ko ng extender.


Kagaya nitong entry natin for today. Kung hindi ko lalagyan ng tofu o tokwa, baka isang kainan lang ang 1 kilong baka na ito. Hehehehe....




BEEF and TOFU with BLACK BEANS SAUCE


Mga Sangkap:

1 kilo Beef Brisket

500 grams block Tofu (cut into 1/2 inch cube)

1 cup Salted Black beans

1/2 cup Oyster Sauce

1/2 cup Brown Sugar

4 cloves Minced garlic

1 large Onion chopped

5 slices Ginger

1 tbsp. cornstarch

salt and pepper to taste



Paraan ng Pagluluto:

1. Pakuluan hanggang sa lumambot ang baka. Lagyan ng kaunting asin ang tubig na pagpapakuluan. Hanguin at palamigin.

2. I-slice ang pinalambot na baka sa nais na kapal.

3. I-prito ang tofu o tokwa hanggang sa maluto. Hanguin sa iang lalagyan.

4. Bawasan ang mantikang pinag-prituhan ng tokwa. Magtira lamang ng mga 2 kutsara.

5. Igisa ang luya, bawang at sibuyas.

6. Ilagay ang hiniwang baka. Halu-haluin.

7. Ilagay ang black bean at oyster sauce. Timplahan ng paminta at asukal. halu-haluin.

8. Ilagay na din ang piniritong tokwa. Halu-haluin

9. Ilagay ang tinunaw na cornstarch. Tikman at i-adjust ang lasa


Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

Note: Hindi na kailangan na lagyan pa ng asin. Masyadong maalat na ang black beans o tausi. Kung maalat pa rin, dagdagan lang ng asukal na puti o brown.

Comments

Anonymous said…
ilang araw na kami nagluluto ng tokwa :) pinakasimple sa lahat prito at may masarap na sawsawan...the other day alimasag in miswa plus tokwa ang niluto ko :)
J said…
I tried this before, minus the tofu hehehe.
Dennis said…
@iamabhie...... tama ka dyan..masrap ang tokwa sa lugaw tapos may sawsawan na suka...hehehe....Yung alimasag sa miswa ang medyo bago sa akin....ano yun ginawa lang pam-flavor yung alimasag sa miswa?

Thanks
Dennis said…
@ J. . . Try it with the tofu....tingnan mo malaki ang pagkakaiba....hehehe
Anonymous said…
sahog po mismo ng miswa un alimasag tas may repolyo :)

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy