FISH FILLET, TOFU & SQUID BALLS in SWEET & SOUR SAUCE

Madalas kong nababaggit sa iba kong mga recipe yung pag-gamit ng extender o pamparami sa pagkain. Katulad ng patatas o ano pang gulay na pwede mong ilahok sa iyong mga niluluto.

Sa entry kong ito for today, dinagdagan ko ang aking fish fillet with sweet and sour sauce ng pritong tofu at squid balls. May kamahalan kasi ang white fish fillet at kung itong lang ang lulutuin ko at walang extender baka hindi ito magkasya sa amin. Ang resulta, mas nagustuhan ng anak kong si Anton ang tofu at squid balls. Hehehehe


FISH FILLET, TOFU & SQUID BALLS in SWEET & SOUR SAUCE

Mga Sangkap:
1/2 kilo Fish Fillet (any white meat fish) cut into serving pieces
1 block Tofu cut into cubes
300 grams Squid Balls cut into half
1 small Carrot cut into strips
1 medium size Red/Green Bell pepper cut also into strips
1 large White Onion Sliced
5 cloves minced Garlic
2 thmub size Finger cut also into strips
1 cup Tomato Catsup
1 tbsp. Vinegar
2 tbsp. Sugar
4 pcs. Calamansi
1 cup Flour
1 Egg beaten
1 tbsp. Cornstarch

Salt and pepper to taste


Paraan ng Pagluluto:
1. Timplahan ng asin, paminta at katas ng calamansi ang fish fillet. Hayaan ng mga 30 minuto.
2. Sa isang bowl paghaluin ang harina, itlog at timplahan ng konting asin at paminta. Batihing mabuti, Lagyan ng konting malamig na tubig. Dapat medyo malapot ang inyong batter.
3. Sa isang kawali magpakulo ng mantika. Dapat mga 1 inch ang lamim nito from the bottom.
4. I-prito muna ang tokwa at saka isunod ang squid balls. Hanguin muna sa isang lalagyan.
5. Sunod na i-prito ang fish fillet na inilubog sa batter. Lutuin hanggang mag-golden brown ang kulay.
6. Bawasan ang mantika sa kawali at magtira lamang ng mga 1 kutsara.
7. Igisa ang luya at bawang. Halu-haluin.
8. Sunod na ilagay ang carrot. Hayaan ng mga ilang sandali.
9. Sunod na ilagay ang red bell pepper, sibuyas at tomato catsup. Lagyan din ng kaunting tubig.
10. Timplahan ng asin, paminta at asukal.
11. Huling ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce. Maaring lagyan pa ng tubig para ma-adjust ang lapot ng sauce.
12. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
13. Sa isang lalagyan, paghaluin ang piniritong fish fillet, tofu at squid balls.
14. Ibuhos sa ibabaw ang nilutong sweet and sour sauce.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Kuya ang ganda ng pagkakaluto mo sa tofu... perfect! Ako kasi madalas nasusunog ko hahaha.
Dennis said…
Heheheh...baka naman iniiwan pag niluluto mo kaya nasusunog. Also, dapat hindi masyadong malakas ang apoy...otherwise sunog sa labas at hilaw pa ang loob.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy