SHRIMP, TOFU, PORK LIVER & VEGETABLES in OYSTER SAUCE
At eto na nga ang finish product na naluto ko. Bukod sa shrimp, nilagyan ko din ito ng tofu o tokwa at yung natira ko pang pork liver sa fridge. For the vegetables, carrots at chicharo lang ang nilagay ko. Di ba di naman masyadong kumakain ng gulay ang mga anak ko?
Stir fry na may kaunting sauce ang ginawa kong luto dito. Gusto ko kasi yung may sabaw na konti para ilalagay sa kanin. Gusto din ng mga anak ko ng ganun para hindi dry ang kanin nila.Try it! Ayos na ayos sa lunch man o dinner at madali lang gawin.
SHRIMP, TOFU, PORK LIVER & VEGETABLES in OYSTER SAUCE
Mga Sangkap:
500 grams Shrimp (alisin yung ulo at balat. Hiwaan sa may likod ang hipon at alisin yung parang itim na sinulid)3 pcs. Tofu (cut into cubes)
200 grams Pork Liver (sliced thinly)150 grams Chicharo
1 large Carrot sliced5 cloves Minced Garlic
1 large White Onion sliced1/2 cup Oyster Sauce
1 tsp. ConstarchSalt and pepper to taste
1 tsp. Brown SugarParaan ng Pagluluto:
1. Sa isang kawali, i-prito ang tokwa hanggang sa maluto. Itabi muna sa isang lalagyan.
2. Sa parehong kawali, bawasan ang mantika at magtira lang ng mga 2 kutsara. Igisa ang bawang hanggang mag-golden brown ang kulay.3. Sunod na ilagay ang pork liver. Halu-haluin hanggang sa maluto.
4. Sunod na ilagay ang carrots at hipon. Timplahan na din ng asin at paminta. Halu-haluin.5. Kung pumula na ang hipon, ilagay na ang chicharo. Halu-haluin lang ng ilang segundo.
6. Isunod na agad ang oyster sauce, brown sugar at tinunaw na cornstarch. Halu-haluin.7. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
8. Hanguin na agad para hindi ma-overcooked ang chicharo.Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments