LUGAW TOKWA BABOY
Noong araw, may maliit kaming carinderia at nagtitinda kami ng mga lutong ulam at meryenda na din. Nasa highschool ako noon at kami lahat sa pamilya ay tulong-tulong sa maliit naming tindahan na ito. Marahil dito ko din natutunan ang mga basics ng pagluluto.
Pangkaraniwan na tinda namin na meyenda ay itong Lugaw Tokwa Baboy. Di ko na matandaan kung magkano ang benta namin nun. Pero murang-mura lang talaga. Ang secret namin sa lugaw baboy tokwa namin nun ay yung suka na ginagamit namin. Pinapakuluan muna ang suka, toyo, asin, sibuyas at kaunting asukal. Mas sumasarap ang suka pag ganito ang ginagawa.
Ito ang almusal namin nitong nakaraang araw. At syempre naman, enjoy na enjoy dit ang mga bata at ako na rin. Para kasing bumalik ang pagkabata ko nung kinakain ko na ito. Hehehehe
LUGAW TOKWA BABOY
Mga Sangkap:
1 cup Malagkit na Bigas
1/2 cup Ordinary rice
1/2 Ulo ng Baboy (linising mabuti)
1 block Tokwa sliced
2 heads Minced Garlic
1 large size chopped Onion
1 cup Sugar Cane Vinegar
1/2 cup Toyo
1/2 pc. Red Onion chopped
1/2 cup brown Sugar
siling labuyo (optional)
1 tsp. Maggie magic Sarap (optional)
Salt and pepper to taste
Paraan ng Pagluluto:
1. Pakuluan ang ulo ng baboy sa tubig at asin hanggang sa lumambot. Hanguin sa isang lalagyan.
2. Salain ang sabaw na pinagpakuluan ng baboy at isalin sa isa pang kaserola.
3. Ilagay ang hinugasang malagkit at bigas sa sabaw na pinagpakuluan.
4. Lagyan ito ng ginayat na sibuyas at isalang sa apoy. Halu-haluin from time to time para hindi manikit ang bigas sa bottom ng kaserola.
5. Timplahan ng pampalasa ang lugaw at i-adjust ayon sa inyong panlasa.
6. I-prito ang bawang hanggang sa mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyan.
7. Sunod na i-prito ang mga tokwa hanggang sa maluto.
8. Sa isang sauce pan, pakuluan ang suka, toyo, sibuyas, siling labuyo at brown sugar. Tikman ang i-adjust ang lasa.
9. Hiwain ang baboy at tokwa nang pa-cube ayon sa nais na laki. Ilagay sa isang bowl.
Ihain ang lugaw kasama ang tokwa't baboy na may suka.
Enjoy!!!!

Comments