LUGAW TOKWA BABOY
Noong araw, mayroon kaming maliit na carinderia na pinamamahalaan ng aking Inang Lina. Ofcourse, tulong-tulong kami sa pagpapatakbo nito. Kaya nga natuto ako at nakahiligan ko ang magluto.
Meryenda at lutong ulam ang itinitinda namin. Mayroon kasing pabrika malapit sa aming tindahan kaya naman nagluluto kami ng meryenda sa umaga at pati na din sa hapon.
Isa sa madalas naming itinda na meryenda ay itong Lugaw Tokwa baboy. Mabiling-mabili ito hindi lang sa sarap ng lugaw kundi pati na rin sa sarap ng suka ng ginagamit namin sa tokwa't baboy. Iniluluto muna kasi namin ito kung baga ay pinakukuluan para maging mas masarap.
Ito ang naisipan kong ihanda na almusal nitong nakaraang Linggo. Nakakatuwa naman at nagustuhan ng aking asawa at mga anak. Nagbalik ala-ala tuloy yung panahon na nagtitinda kami nito....hehehe.
LUGAW TOKWA BABOY
Mga Sangkap:
1 & 1/2 cup Malagkit na bigas
1/2 kilo Ulo ng baboy o Liempo
2 blocks Tokwa
1 cup Vinegar
1 cup Soy sauce
1 tbsp. sugar
1 pc. Red onion Finely chopped
1 pc. White Onion sliced
2 heads Minced Garlic
Maggie magic Sarap (optional)
Salt to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, pakuluan ang ulo ng baboy o liempo hanggang sa lumambot. Lagyan ng kaunting asin. Hanguin sa isang lalagyan.
2. Ilagay ang ginayat na sibuyas at hinugasang malagkit na bigas sa pinagpakulan ng baboy. Palaging hahaluin para hindi magtutong ang lugaw. Hayaang kumulo hanggang sa maging lugaw.
3. Timplahan ng asin at maggie magic sarap ayon sa inyong panlasa.
4. Sa isang kawali, i-prito ang tokwa hanggang sa maluto. Hanguin at ilagay muna sa isang lalagyan.
5. Sa parehong kawali, i-prito ang bawang hanggang sa mag-golden brown ang kulay ito. Hanguin sa isang lalagyan.
6. Hiwain ang nilagang baboy ng pa-cube o sa nais na laki. Hiwain na din ang tokwa sa pareho laki.
7. Lagyan ito ng kalhati ng ginayat na sibuyas na pula.
8. Para sa suka, pagsama-samahin ang suka, toyo, asukal, asin at natira pang sibuyas.
9. Pakuluan ito ng mga 2 minuto. Huwag hahaluin.
10. To assemble: Maglagay ng lugaw sa isang bowl at lagyan ito ng piniritong bawang sa ibabaw. Maglagay ng tamang dami ng tokwa at baboy sa isang bowl din at lagyan ng pinakulong suka at toyo.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
P.S.
Pasensya na pala at walang picture yung lugaw. Sa bilis niyang maubos hidi ko na siya na-picture-an...hehehehe. Thanks

Comments