TOFU CHOP SUEY
Ito ang 3rd dish na inihanda ko sa aking nakaraang kaarawan. Tofu Chop Suey. Naisip kong ihanda ito dahil may officemate ako na Muslim. Alam naman natin na hindi silakumakain ng baboy at kung manok o baka naman, dapat ay halal ito.
Simple lang ang dish na ito. Ayos na ayos din ito sa mga vegeterian o yung mga nagda-diet.
Nagustuhan talaga ng mga officemate ko ang dish na ito. Kagaya nung ibang putahe na niluto ko, hinihingi din nila ang recipe nito. At eto na nga. Dito na lang nila basahin. Hehehehe
TOFU CHOP SUEY
Mga Sangkap:
2 blocks Tofu o tokwa cut into cubes (bahala na kayo kung gaano kadami ang gusto ninyo)
100 grams Squid Balls (cut into half)
200 grams Brocolli cut into bite size pieces
200 grams Cauliflower cut into bite size pieces
100 grams Baguio Beans (cut into 1 inch long)
1 large Carrot sliced
2 tangkay Celery
2 pcs. large Red and Green Bell pepper
1/2 cup Oyster Sauce
1/2 cup Soy Sauce
1 tbsp. Brown Sugar
1 tsp. Sesame Oil
5 cloves minced Garlic
1 large white Onion sliced
Salt and pepper to taste
1 tsp. Cornstarch
Paraan ng pagluluto:
1. Magpakulo ng tubig na may asin sa isang kaserola. Kapag kumukulo na ilagay ang Baguio beans, brocolli, cauliflower at tangkay ng celery. Huwag i-overcooked.
2. Sa kumukulong mantika, i-prito ang tokwa at squid balls hanggang sa maluto. Hanguin muna sa isang lalagyan.
3. Bawasan ng mantika ang kawali at igisa ang bawang at sibuyas.
4. Ilagay ang oyster sauce, toyo at mga 1/2 tasang tubig.
5. Timplahan ng asin, paminta at brown sugar.
6. Ilagay na ang carrots, tofu at squid balls. Hayaan ng ilang sandali.
7. Ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
8. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
9. Ilagay ang nilagang gulay at halu-haluin.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments