WHITE PORK MENUDO

Para sa akin ang pagluluto ay hindi dapat naka-base lamang sa tradisyon o kung ano yung nakagisnan na pamamaraan.   Although, alam nating masasarap talaga ang mga luto ng ating mga ninuno, pero kaya pa natin itong mapasarap pa sa panahon natin ngayon.

Ang ibig kong sabihin ay ang pag-twist sa mga classic nating mga ulam.  Pansin nyo siguro, marami-rami na din akong classic dish na ginawan ko ng twist.   At hindi naman ako nabigo, mas napasarap ko pa ang dati nang masarap na dish na nakalakihan natin.

Kagaya nitong dish natin for today.   Classic menudo na sa halip na tomato sauce at paste ang inilagay ko ay all purpose cream.   Masarap ang kinalabasan at pwede mong ihanay sa mga dish na pwedeng ihanda sa mga espesyal na okasyon.


WHITE PORK MENUDO

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Kasim or Pigue (cut into small cubes)
1 can Vienna Sausage (cut into small pieces)
1 tetra brick All Purpose Cream
2 medium size Potato (cut into cubes..same size as the pork)
1 large Carrot  (cut into cubes..same size as the pork)
1 large Red Bell Pepper (cut into cubes)
2 tbsp. Sweet Pickel Relish
2 tbsp. Worcestershire Sauce
1/2 tsp. Maggie magic Sarap
5 cloves minced Garlic
1 large White Onion (chopped )
2 tbsp. Butter
Salt and Pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa butter.
2.   Ilagay na ang karne ng baboy, sweet pickel relish at worcestershire sauce.   Timplahan na din ang asin at paminta.   Takpan at hayaang masangkutsa.
3.   Lagyan ng tubig kung kinakailangan hanggang sa lumambot ang karne.
4.  Kung malambot na ang karne, ilagay na ang patatas, carrots at red bell pepper.   Takpan muli hanggang sa maluto ang patatas.
5.   Huling ilagay ang all purpose cream, vienna sausage at magie magic sarap.
6.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

Comments

J said…
Walang nabibiling all purpose cream dito pero gagayahin ko ito with heavy cream hehe. Thanks kuya for always inspiring me!
Dennis said…
Pwede din J....Mas okay nga ata ang heavy cream. Try it...masarap yaan...hehehe
Unknown said…
Sir, dennis, tanung ko lang. Anu po yung worcestershire sauce?
Dennis said…
Sarsa Inlesa ang tawag ng iba. Pero siguro mas mage-gets mo kung Lean Perins. Sa supermarket makikita mo ito sa section ng mga toyo at suka...nakabalot pa ang bote nito ng papel. Masarap ito sa mga stew dishes.
Unknown said…
Sir dennis, thank you po. getz ko na.. hirap lang pag di alam ung ibang mga sangkap.. haayyyyy.. lahat po ng gusto kung maluto prinit ko na.. at naka sabit ito sa kitchen nmin.. hehehe ready for cook every sunday.. salamat po uli sir
Dennis said…
Salamat Bhong....Basta may mga tanong ka pa, i-post mo lang dun sa recipe ng dish.

Thanks again
Anonymous said…
Hello po! Dito po ako sa Abu Dhabi, ang sasarap po ng mga niluluto niyong pagkain. Mahilig po ang pamilya namin magluto, di ko naisip na pwede pala ang white menudo. Mabuti po at nabigyan niyo ako ng idea. Nakakita na ako ng ganitong luto noon pero di ko alam na menudo pala. Paulit ulit ko po binabalikan ang mga lutuin nyo :-) nakakatuwa at madami ako natututunan. Ang galing!!!

Thanks po!
Dennis said…
Thanks Anonymous....pakilala ka naman...hehehe...Basta pag may tanong ka ma-post ka lang ng message d2 sa blog at sasagutin ko sa abot ng aking makakaya. Dont forget to click the Ads ha...added points din ito para sa akin.

Regards,


dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy