DRUNKEN PORK with HOISIN SAUCE
Narito ang isa sa mga dish na inihanda ko sa aking birthday celebration. Actually, first time kong gumamit ng alcohol sa aking niluluto at hindi naman ako nagkamali, masarap ang kinalabasan ng finish product. Sa isang food blog ko din nakuha ang idea na lagyan ng gin ang marinade ng dish na ito and to make sure na hindi papangit ang lasa, sinunod ko talaga yung tamang dami ng gin na ilalagay. Puring-puri din ito ng mga bisita. Gulat nga sila ng sinabing kong may gin yung dish....hehehehehe
DRUNKEN PORK with HOISIN SAUCE
Mga Sangkap:
1 kilo Porkloin or Lomo
1/2 cup The Bar Lemon and Lime Gin
1 pc. Lemon
1 tsp. Dried Rosemary
5 cloves minced garlic
1 tsp. ground pepper
1 tbsp. rock salt
1 tbsp. Soy sauce
2 pcs. Star Anise
2 tbsp. brown sugar
3 tbsp. Hoisin Sauce
3 tbsp. Olive oil
Paraan ng Pagluluto:
1. I-marinade ang karne ng baboy sa asin, paminta, bawang, dried rosemary, star anise, katas ng lemon at gin. Gadgarin din ang balat ng lemon at isama sa marinade. Hayaan ng mga isang oras.
2. Sa isang kawali o non-stick pan, i-prito ang minarinade na karne sa olive oil hanggang sa pumula ang gilid nito.
3. Ibuhos ang marinade mix sa niluluto at hayaan kumulo at maluto pa ang karne. Lagyan ng kaunting tubig at toyo kung kinakailangan.
4. Ilagay ang hoisin sauce, brown sugar at toyo. Bali-baligtarin ang karne para ma-coat ng sauce.
5. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
6. Hanguin at palamigin muna sa isang lalagyan.
7. Hiwain ito ng ayon sa nais na kapal.
8. Ilagay ang sauce sa ibabaw bago ihain.
Enjoy the cooking!!!!
Comments
Dennis