BEEF with CORN and POTATOES


Isa na namang beef dish ang handog ko sa inyong lahat. Again, hindi ko alam kung may ganitong luto sa baka. Basta last minute ang naging decision na ganitong luto ang gagawin. Tiningnan ko muna akung ano ang available sa fridge at sa cabinet and presto nabuo ko ang dish na ito.

Simple lang ito dish na ito. Gisa-gisa lang at lagay ng iba pang mga sangkap at mayroon ka nang isang masarap na putahe.


BEEF with CORN and POTATOES

Mga Sangkap:
1 kilo Beef Brisket
1 cup Whole kernel Corn
2 large Potatoes cut into cubes
5 cloves minced Garlic
1 large White Onion sliced
Salt and pepper to taste
1/2 tsp. Maggie magic Sarap
1/2 cup butter
1 tsp. Cornstarch


Paraan ng pagluluto:
1. Pakuluuan ang baka sa kaserolang may asin hanggang sa lumambot. Hanguin at palamigin.
2. I-slice ang baka sa nais na laki at kapal.
3. Sa isang non-stick na kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa butter.
4. Ilagay ang hiniwang baka at halu-haluin.
5. Ilagay ang sabaw ng canned corn kernel at mga 1 tasang tubig.
6. Ilagay na din ang patatas at takpan. Hayaang kumulo hanggang sa maluto ang papatas.
7. Ilagay na ang mais at maggie magic sarap.
8. Tikman at i-adjust ang lasa. Maaring lagyan pa ng asin at paminta.
9. Ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.

Hanguin sa isang lalagyan at ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Cecile said…
wow, love the look of your dish, mukhang masarap! we love beef any way it's cooked...

yung roasted chicken recipe, na add ko na sa entry ko; paki check na lang ha, thanks Dennis :-)
Dennis said…
Thanks Cecile....Wala kasi akong maisip na luto sa beef na yan kaya ayan ang lumabas....hehehehe. but it's delicious...really.

Thanks for the recipe cecile....
J said…
Grabe kuya... parang naglaway ako sa tokwa't baboy... sana makahanap ako ng ingredients dito hehehe.
Beynie St Mary said…
Hello po! I cooked this dish and ang sarap!!! simple pero rock! I tried adding broccoli, ok nmn po lasa! You are such a blessing Mang Dennis :D hope may twitter account din po kayo :D

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy