BEEF with CREAMY LIVER SAUCE


Dahil sa bagyong naranasan ng mga kababayan natin sa Norte particular ang Benguet at Baguio City, naging problema natin ang napakataas ng presyo ng gulay sa pamilihan. Kaya naman kung magluluto tayo ngayon, kung maari lang ay magbawas tayo ng mga sangkap na gulay o kaya naman ay totally wala na munang gulay. But ofcourse di naman dapat masakripisyo ang lasa ng ating niluluto.

Katulad nitong beef na niluto ko. I consider this as my original recipe. I hope tama ako...hehehehe. Wala pa kasi akong nababasa na ganitong recipe. Sa lutuin ko ngang ito, wala akong inilagay na gulay bukod ofcourse sa bawang at sibuyas. Ang original plan ay lutuin ko ito na may kasamang tofu o tokwa. Ang problema nakalimutan kong bumili ng tokwa at isa pa wala naman akong gulay sa fridge. Nang makita ko yung 1 lata ng Reno Liver Spread nabuo agad ang recipe kong ito. And it was a success. Malinamnam at malasa ang luto kong ito. Try it!


BEEF with CREAMY LIVER SAUCE

Mga Sangkap:

1 kilo Baka (Yung malaman na part)

1 small can Reno Liver spread

1 brick pack All Purpose cream

1/2 cup butter

5 cloves minced garlic

1 large onion chopped

salt and pepper to taste

1 tsp. maggie magic sarap


Paraan ng Pagluluto:


1. Sa isang kaserola, palambutin ang baka sa tubig na may asin. Hanguin at palamigin.

2. Hiwain ang pinalamig na karne sa nais na laki at nipis.
3. Sa isang kawali o kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa butter.

4. Ilagay ang hiniwang baka at timplahan ng asin at paminta. Halu-haluin.
5. Lagyan ng mga 2 tasang sabaw ng pinaglagaan ng baka at hayaan ng mga 3 minuto.

6. Ilagay ang liver spread. Hayaan ng mga ilang sandali para kumapit ang lasa ng liver spread sa laman ng baka.

7. Ilagay ang cream at timplahan ng maggie magic sarap. I-adjust ang lasa.
8. Hanguin sa isang lalagyan. Maaring lagyan ng toasted garlic sa ibabaw.
Ihain kasama ang mainit na kanin o garlic rice.

Enjoy!!!!

Comments

cool fern said…
sarap nito ah...someday gagawa ako nito...keep up the good work,dennis..mabuhay ka...
Dennis said…
Sinabi mo...akala ko nun palaman lang sa tinapay ang liver spread o kaya naman panglagay sa caldereta. When I try this...uummmm....sauce pa lang ulam na. I consider this as my original.

Dennis
Mary said…
ang galing ng mga recipes mo Dennis :)

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy