BEEF with CREAMY LIVER SAUCE
Dahil sa bagyong naranasan ng mga kababayan natin sa Norte particular ang Benguet at Baguio City, naging problema natin ang napakataas ng presyo ng gulay sa pamilihan. Kaya naman kung magluluto tayo ngayon, kung maari lang ay magbawas tayo ng mga sangkap na gulay o kaya naman ay totally wala na munang gulay. But ofcourse di naman dapat masakripisyo ang lasa ng ating niluluto.
Katulad nitong beef na niluto ko. I consider this as my original recipe. I hope tama ako...hehehehe. Wala pa kasi akong nababasa na ganitong recipe. Sa lutuin ko ngang ito, wala akong inilagay na gulay bukod ofcourse sa bawang at sibuyas. Ang original plan ay lutuin ko ito na may kasamang tofu o tokwa. Ang problema nakalimutan kong bumili ng tokwa at isa pa wala naman akong gulay sa fridge. Nang makita ko yung 1 lata ng Reno Liver Spread nabuo agad ang recipe kong ito. And it was a success. Malinamnam at malasa ang luto kong ito. Try it!
1. Sa isang kaserola, palambutin ang baka sa tubig na may asin. Hanguin at palamigin.
2. Hiwain ang pinalamig na karne sa nais na laki at nipis.
4. Ilagay ang hiniwang baka at timplahan ng asin at paminta. Halu-haluin.
6. Ilagay ang liver spread. Hayaan ng mga ilang sandali para kumapit ang lasa ng liver spread sa laman ng baka.
7. Ilagay ang cream at timplahan ng maggie magic sarap. I-adjust ang lasa.
Enjoy!!!!
Comments
Dennis