CHICKEN AFRITADA with STRAWBERRY JAM
Hindi na bago sa atin ang paghahalo ng prutas sa ating mga nilulutong pang-ulam. Halimbawa na dito ang pininyahang manok, o kaya naman ay orange chicken. Pinya ang madalas nating ilagay, minsan manga din o kaya naman ay oranges. Masarap naman talaga ang kinakalabasan ng mga dish na ito. Naroon yung fruity taste ng ating kinakain na ulam.
Pero nasubukan nyo na bang maglagay ng fruit jam sa inyong stew dishes halimbawa ay afritada?
May nagbigay sa amin ng strawberry jam galing ng Baguio. Ofcourse masarap talaga na palaman ito sa mainit na pandesal o kahit na sa skyflakes. Pero nitong nakaraang magluto ako ng afritada, naisipan kong lagyan ito ng strawberry jam. Naisip ko lang, para din lang itong sweet pickle relish na masim-asim na matamis ang lasa. At hindi nga ako nagkamali, masarap at naroon yung fruity flavor ng strawberry. Try nyo din po.
CHICKEN AFRITADA with STRAWBERRY JAM
Mga Sangkap:
1 whole Chicken (cut into serving pieces)
3 tbsp. Strawberry Jam
1 tetra pack Tomato Sauce
2 pcs. Potatoes (cut into cubes)
1 large Carrot (cut into cubes)
1 large Red Bell Pepper (cut into cubes)
5 cloves Minced Garlic
2 pcs. Tomatoes (slice)
1 pc. Onion (slice)
2 tbsp. Butter
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang heavy bottom na kaserola, igisan ang bawang, sibuyas at kamatis sa butter.
2. Ilagay na agad ang manok at timplahan ng asin at paminta. Hayaang masangkutsa.
3. Ilagay na ang strawberry jam, tomato sauce, patatas, carrots at red bell pepper. Takpan ang hayaang maluto ang lahat na sangkap.
4. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!
Comments