FRIED TILAPIA with HERBS
St. Peter's fish ang tawag ng iba sa tilapia. Nung una kong madinig o mabasa ito, isang malaking bakit ang naitanong ko sa sarili ko. Until mapanood ko sa isang CD yung movie na Jesus of Nazareth. Doon sa movie kung saan inutusan ni Jesus na ihulog ni Peter yung lambat niya sa dagat kahit na magdamag silang walang mahuli. Nang hanguin ni Peter ang lambat, napakaraming isda ang kanilang nahuli. At tilapia nga ang mga nahuli nila.
Sa panahon ngayon, ang tilapia marahil ang masasabi nating isda ng mahihirap. Mura lang kasi itong mabibili. Itong nabili ko, P95 per kilo ang halaga. 4 na piraso o 1.6 kilos. Tatlong klaseng luto ang pangkaraniwang pwedeng gawin dito. Inihaw, pesa at prito. Sa prito ako nauwi. So para hindi naman maging boring ang ordinaryong pritong tilapia, ginamitan ko ng mga available na herbs and spices.
Also, may bisita pala ako nung time na yun. Binisita ako ng kapatid kong si Shirley, ang aking Tita Melda, pamangkin kong si Lea at Tita Salve. Ito nga ang pinakain ko sa kanila kasama ang ginisang ampalaya. Nakakatuwa naman at nagustuhan nila ang pritong tilapia....hehehehe.
FRIED TILAPIA with HERBS
Mga Sangkap:
4 pcs. medium Tilapia
2 tbsp. rock salt
1 tsp. Dried Tyhme
1 tsp. Dried Basil
1 tsp. Dried Rosemary
1 tbsp. Garlic powder
1 tsp. maggie magic sarap
1 tsp. ground pepper
2 cups cooking oil
Paraan ng pagluluto:
1. Linising mabuti ang tilapia at hiwaan ito sa katawan.
2. Pagsamasamahin ang lahat ng sangkap maliban sa tilapia at cooking oil
3. Ikiskis ang pinaghalong sangkap sa katawan ng tilapia. Lagyan din ang loob at ang mga hiniwaan sa katawan. Hayaan muna ng mga 1 oras.
4. I-prito ito sa kumukulong mantika hanggang sa maluto.
Ihain kasama ang sawsawang pinaghalong calamansi, toyo at sili.
Enjoy!!!
Comments
Dennis