ORANGE CHICKEN
I'm back! After ng aking major operation last October 27, eto ako at patuloy pa rin sa pagpapagaling ng aking sugat. Mahirap pala ang maoperahan....para ka na ring na CS nun...hehehehe. Una sa lahat nagpapasalamat ako sa inyong lahat na nagdasal para sa aking mabilis na paggaling. Sa lahat ng mga nag-email sa akin, taos puso akong nagpapasalamat sa inyo.
Orange Chicken. Ito yung nabitin nating recipe the last time na nag-post ako. Kaya eto ituloy na natin para sa mga nag-aabang ng recipe na ito.
Actually, experimental ang recipe na ito. Sino ba naman ang mag-iisip na ang instant juice powder ay pwede ding gamiting pang-marinade sa manok? hehehehe. Tama ang nabasa nyo. Instant powder juice ang ginamit ko dito at masarap ang kinalabasan. Ang inspiration kio nung niluluto ko ito ay yung lemon chicken na nakakain natin sa mga chinese restaurant. Try nyo ito para maiba naman ang pangkaraniwang fried chicken na ginagawa natin.
ORANGE CHICKEN
Mga Sangkap:
1 kilo Chicken breast fillet
1/2 sachet Tang Orange powder juice
4 pcs. Calamansi
2 cups Japanese Bread crambs
1 egg
salt and pepper
cooking oil for frying
Paraan ng Pagluluto:
1. I-marinade ang manok sa asin, paminta, Tang powdered juice at katas ng calamansi. Hayaan ng mga 1 oras. Mas matagal mas mainam.
2. Magpakulo ng mantika sa isang kawali.
3. Isa-isang ilubog ang manok sa binating itlog at saka igulong sa breadcrambs. Idiin ng kaunbti para kumapit ang breadcrams sa manok.
4. Ihulog ito sa kumukulong mantika hanggang sa maluto at magkulay golden brown.
5. Hanguin sa paper towel para maalis ang excess na mantika.
Ihain kasama ang pinaghalong mayonaise, minced garlic at salt and pepper.
Enjoy!!!!
Comments