INIHAW na BANGUS with GREEN APPLE STUFFING

Paborito sa bahay lalo na ng aking mga anak itong inihaw na bangus na may palamang sibuyas at kamatis.   Kaya naman basta may pagkakataon na makapagluto ako nito ay ginagawa ko para sa aking mga anak at pamilya.

May ilang version na din ako ng inihaw na bangus na ito sa archive.   Same procedure pero nagkakaiba sa mga palaman na ginagamit.   Mas mainam yung ganoon para hindi naman maging boring ang ating inihaw na bangus.   Although, hindi ko siguro pagsasawaan ang original version.....hehehehe.

This time, gumamit naman ako ng prutas para isama sa palaman.   May nabili kasi akong apple na naka-sale sa SM supermarket.  Na-try ko na na ipalaman ang hilaw na mangga so bakit naman hindi kako itong mansanas?   Yung green apple ang ginamit ko.  Tamang-tama kasi yung tamis at konting asim nito.   At hindi naman ako nagkamali.   Masarap at malasa ang kinalabasan ng aking bagong maidadagdag sa listahan ko ng inihaw na bangus.  Try it!



INIHAW NA BANGUS with GREEN APPLE STUFFING

Mga Sangkap:
2 pcs. medium to large size Boneless Bangus
1 pc. large Green Apple (cut into small cubes)
4 pcs. Tomatoes (cut into small cubes)
1 large White Onion (chopped)
2 stem Leeks (chopped)
2 tbsp. Sesame Oil
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Timplahan ang boneless bangus ng asin at paminta.
2.   Sa isang bowl, paghaluin ang mga ginayat na sibuyas, kamatisa, leeks at green apple. 
3.   I-drizzle ng sesame oil ang bangus at saka palamanan ng pinaghalong mga sangkap.
4.   Balutin ng aluminum foil.  Hayaan muna ng mga 15 minuto bago i-ihaw o isalang sa turbo broiler.  Pwede din itong i-pan-grill o stove top griller.
5.  Lutuing mabuti.   Kung sa turbo broiler, lutuin ito ng mga 30 minuto.

Ihain ito habang mainit pa na may kasamang sawsawan na calamansi na may toyo, suka at sili.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Haaay kuya. Paampon nga po!
Dennis said…
Hahahaha....ikaw talaga J

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy